FIVE

3 0 0
                                    

Travis Gutierrez

8:56 na ng makarating ako sa airport, agad akong pumunta sa luob dala ang gamit ko at maleta ni Veronica pero di ko na sila nakita sa labas kaya pumasok nalang ako para hanapin sila sa eroplano.

Pagkasakay ko ay pumunta agad ako sa tapat ng upuan na nakalagay sa ticket ko. duon nakita ko silang nakaupo na, si Veronica ang nasa Bintana katabi nito si Lexi katabi naman ni Lexi si Kobi at nasa likod naman si Third, sa tabi dapat nya kaming dalawa ni Megan.

"oh Travis bakit andito ka?" gulat na tanong ni Lexi sakin, agad naman na lumingon si Veronica na kanina lang ay nakatingin sa labas,

"bakit bawal ba ko dito?" natatawa kong tanong sabay lagay ng Bagpack ko sa overhead storage compartment at umupo na sa tabi ni Third,

"kawawa naman kasi si Third walang katabi" dagdag ko pa,

"para lang kay Third?" tanong ni Kobi,

"para sa inyong lahat sye..." sagot ko naman dito,

"ahh para kay Veronica" putol ni Kobi sa sinasabi ko,

"oh Veronica para daw sayo" sabi naman ni Third kay Veronica,

umiling nalang ako habang tumatawa habang nilalagay ang earphone sa tenga ko at pumikit.

***

12nn na ng makarating kami dito sa Amsterdam, sumakay kami ng taxi para makapunta sa tutuluyan namin. Sa kabilang taxi nakasakay si Lexi, Veronica at Kobi at kami naman ni Third ang magkasama sa isa pang Taxi.

"galing nyo rin mangonsensya eh, sinadya nyo pang iwan yung maleta ni Veronica sa sasakyan ko" sabi ko,

"kay Veronica ba 'yon? akala ko kay Lexi?" sagot nito sakin,

oo nga ang alam namin kay Lexi yon dahil sa 'yon yung laging dala nito tuwing aalis kami,

"Pano mo nasabing kay Veronica 'yon?" tanong ni Third sakin,

"tinidnan ko yung laman para malaman ko kung ibabalik ko pa ba o hindi na, tapos nakita ko yung Drawing ko dun sa isang papel. Kay Veronica ko 'yon binigay" sagot ko dito,

"Pakelamero ka" sabi sakin ni Third,

"ang iniisip ko, bakit asa kanya pa 'yon" sabi ko dito ng maalala kong titidnan ko pa sana yung mga painting kaso biglang tumawag si Megan.

nang maalala ko si Megan ay binuksan ko agad ang phone ko, ang kaso ay malamang nasa Byahe na 'yon kaya hindi na muna ako nagsend ng message dito.

huminto na ang sinasakyan namin sa tapat ng isang hotel, pagkababa namin ng gamit sa taxi ay saktong pagdating naman nila Veronica at pumunta na kami don para tulungan silang magbaba ng gamit.

"dalawa yung Kwarto na kinuha ko" sabi ni Third,

"tatlo nalang kami ni Kobi sa isang Kwarto at kayong dalawang babae naman ang sa isa pa" sabi ko kay Lexi at Veronica,

"samin nalang si Kobi..."

"hoi yung pinsan mo masyado mo ng ginagawang thirdwheel" sabi naman ni Third,

"ok lang naman 'yon" sabat naman ni Veronica,

TOTGA : The one that Got awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon