Prologue

12 0 0
                                    

Travis Gutierrez

2018

"kailangan ba talaga natin gawin to? Pwede naman maging magkaibigan diba?"

Hinawakan ko ang kamay ni Veronica at tinidnan ito sa mga mata,

"yes we can still be friends, pero baka..."

"Baka ano?"

"Baka hindi na kagaya ng dati, look Travis! ang dami ng nagbago."

inayos nya ang gamit nya at tatayo na sana ng hinawakan ko ulit ang kamay nya,

"no please! Kaya pa naman natin ibalik yung dating tayo eh! diba? yung masaya, tamang tambay lang tas tawanan, sasamahan moko sa mga problema ko at ganun din ako sayo. please wag mo na kong iwasan!"

Hindi na niya ako sinagot at umalis na ito,

Ilang linggo lang ang nakalipas ay hindi ko na sya nakikitang dumadaan sa labas ng bahay namin, kahit ilang oras ko syang hintayin ay wala parin. kaya nagpasya na kong puntahan nalang sila sa bahay nila kahit ayaw akong makita ng papa niya ngunit wala ng nakatira doon.

Hindi manlang ako nakapagpaalam bago sya umalis, kung hindi ko pa sya pupuntahan ay hindi ko malalaman, hindi nya manlang nireplyan mga message ko at hindi na sinasagot ang tawag ko, wala akong balita kahit isa sa kanya, ang sakit lang maiwan ng hindi ka pa handa.

TOTGA : The one that Got awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon