ONE

8 0 0
                                    

Travis Gutierrez

2023

Tanging tunog lang ng music at sigawan ng mga tao ang maririnig mo dito sa bar kung saan kami laging umiinom ni Third at Kobi, linggo linggo kung pumunta kami dito para uminom at maghanap ng babae,

"hindi mo alam kung gaano ako kaswerte sayo Travis!" nakangiti at kitang kita mo sa mata ang saya nya habang sinasabi ito sakin,

"sige na inumin mo na yan!" sagot ko dito at tinuro ang hawak nitong baso,

"isang linggo mo palang kilala yang si Travis parang baliw na baliw ka na ah!"

Si Third Nishimoto isa sa mga matalik kong kaibigan. Nakilala ko sila ni Kobi nung highschool palang kami, nagkasama kami sa inuman dahil sa iisa lang yung lugar na pinagiinuman namin.

"siraulo!" sagot ko dito,

tumayo si Ash at hinila ako papunta sa dance floor, nakasuot ito ng red dress at naka high heels na kung susukatin ay 3 inches biruin mong kanina ko pa to pinapainom eh hindi manlang nalalasing,

"sayaw na Travis! alam kong magaling ka sumayaw" aya nito sakin

umiling lang ako at babalik na sana sa kinauupuan ko ng makita ko si Megan sa entrance ng bar,

Si Megan Sanchez, Girlfriend ko at 2 years na kami. Nakilala ko sya nung birthday ni Kobi, kasama sya ng isa sa bisita ni Kobi. Hindi ko alam kung bakit ko niligawan 'to pero habang tumatagal ay napamahal na rin ako. napakaselosa at alam nya kung gaano kami kababaero ni Third noon kaya kahit sino nalang pinagseselosan.

agad akong tumalikod at hinila si Ash papuntang CR at sinabi rito na maghintay lang don at may kukunin lang ako sa table namin pero pag punta ko roon ay saktong papunta na rin si megan dito at kasalubong ko pa,

"hoi Travis Manansala Gutierrez junior! bakit andito ka? ang sabi mo may training kayo?" bungad na tanong nito sakin,

"at bakit kabilaan ang babae nitong si Third? imposibleng ikaw at si Kobi walang babae dito?" dagdag pa neto

"ilang beses ko bang sasabihin sayo na simula nung makilala kita, hindi ko na nagawang magloko! wala ka bang tiwala sakin?" sagot ko dito at hinawakan ko ang magkabilang braso nito,

"teka nga lang at magsiCR lang ako" paalam ni kobi

Si Kobi Guerrero isa rin sa matalik kong kaibigan, Napakafaithful sa girlfriend, 3 years na sila at 3 years na rin syang nagtitiis sa bunganga ng girlfriend nya, dahil sa di nya magawang mambabae tinutulungan nalang nya kami makalusot pag mabibisto na kami ni Third.

"hoy hoy hoy! san ka pupunta?" pigil nito kay kobi,

"MagsiCR nga diba?" sagot nito,

"kung may away kayo ni Travis wag nyokong idamay ah?!" hindi pa nakakasagot si Megan ay umalis na agad ito,

nang makapunta sa CR ay agad na pinuntahan ni Kobi si Ash at sinabi dito na may emergency sa bahay namin kaya umalis na ako agad at hindi na nakapagpaalam sa kanya. sumenyas naman ito na ihahatid na palabas ng bar si ash kaya niyakap ko si Megan at hinawakan ang ulo,

"diba sabi ko naman sayo? hindi ko magagawang lokohin ka! wag mo nga kong pagisipan ng kung ano ano" pambobola ko dito at nang makitang nakalabas na sila Ash ay inaya ko na si Megan na maupo,

ang paghawak ko sa braso ni Megan o ng ibang babae na kasama ko ay senyales na nasa CR ang iba pang kasama kong babae at si Kobi ang parating pupunta sa kinaruruonan ng babaeng papaalisin nya sa lugar para hindi ako mahuli.

TOTGA : The one that Got awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon