NINE

2 0 0
                                    

Veronica Clinton

Naguusap si Kobi at Travis habang nagaayos ng gamit, parang seryoso ang pinaguusapan nila. Maya maya pa ay naglakad si Travis palayo at nagpatuloy nalang si Kobi sa pagaayos ng gamit.

umahon ako para tulungan si Kobi sa paghahanda ng mga iihawin dahil magisa nalang ito ngayon,

"san punta nun?" tanong ko kay Kobi habang naglalakad papunta sa kaniya,

"ah hahanap lang ng kahoy pang bonfire daw mamaya

"ahh baka maghahanap ng babae kamo" pabirong sagot ko dito, tumawa nalang ito at umiling at nagpatuloy sa pagaayos ng gamit, pumunta naman ako sa table para kunin yung mga pinamili namin karne.

sumunod na si Lexi kasama sila Ian at Third para tumulong samin,

"asan si Travis?" tanong ni Third,

"naghahanap ng kahoy para mamaya" sagot naman ni Kobi dito,

lumapit sakin si Lexi para tulungan akong timplahin ang mga rekado para sa iihawin namin, sumunod naman yung dalawa dito para guluhin kami.

ilang minuto na ang nakalipas at natapos na rin kami dito sa ginagawa namin pero si Travis hindi parin bumabalik,

"asan na ba si Travis?" tanong ni Kobi,

"Veronica nakita mo kung san pumunta si Travis diba? sundan mo na nga" dagdag pa nito,

"dala naman nya ata phone nya diba?" tanong ni Ian,

"hindi kakagaling lang nila sa tubig nun imposibleng dala nya phone nya" sagot ko dito,

"sige na pupuntahan ko na sya"

"samahan na k..."

"Ian tulungan moko magihaw dito, namiss ko yung ikaw ang nagiihaw ng mga kinakain natin noon" putol ni Kobi sa sasabihin ni Ian,

"kuya mamaya na samahan ko na muna si Veronica" sagot ni Ian dito,

"ako nalang sasama sa kanya" sabat naman ni Third, sabay hila sa kamay ko papunta kung saang direksyon nagpunta si Travis,

alam din pala nito kung san nagpunta si Travis bat ako pa uutusan.

medyo malayo na at hindi ko na maaninag kung saan nakatayo sila Lexi, marami na ring puno dito at may mga kahoy na rin akong nakita sa paligid bat hindi pa ito kinuha ni Travis?

habang naglalakad kami ay may nakita kaming isang malaking bato na lagpas tao kung susukatin at sa ibabaw nun nakaupo si Travis,

"panuorin mo lang sya" sabi sakin ni Third,

"huh?"

"yang posisyon na yan kabisado ko na yan tidnan mo ah? magbibilang ako"

"5... 4... 3... 2... "

"P*tanginang Buhay to anong gagawin ko" nagulat naman ako ng narinig kong sumigaw si Travis at nang tumingin ako dito ay nakatayo na ito ay hinagis yung hawak nitong bato sa tubig,

"uupo na yan" rinig kong sabi ni Third at hinila ako para hindi kami makita ni Travis, nakita kong umupo nga si Travis at yumuko,

"pag ganyan yan ibig sabihin may pinagiisipan yan, simula nung nagtatravel kami laging ganyan yan hindi lang sa dagat" dagdag pa nito,

"b...bakit mo sinasabi sakin yan?" tanong ko rito,

"wala share ko lang" sagot naman nito sakin,

"walang nakakaalam kung anong iniisip nya pagganyan sya, pero tuwing aalis kami ganyan sya kaya nung umalis sya kanina? hindi sya sinundan ni Kobi, kasi may mabigat na problema yang si Travis nirerespeto nalang namin yung gusto nyang katahimikan sa paligid para makapagisip" sabi nito,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TOTGA : The one that Got awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon