EIGHT

1 0 0
                                    

Travis Gutierrez

Nang matapos na kami kumain ng tanghalian ay nagayos na kami at pinili yung mga damit na dadalhin namin dahil naisip namin na imbis na last day kami magbeach eh ngayon nalang daw.

Tatlong oras daw ang byahe mula hillegom hanggang sa beach na pupuntahan namin sabi ni Ian kaya mukhang aabutin kami ng kinabukasan duon. Dumaan muna kami sa Market para bumili ng pwedeng makain habang andun kami at ilan na ring inumin dahil hindi sapat yung stock ni Ian sa bahay nila.

nasa passenger seat si Veronica at nandito naman ako sa likod katabi si Kobi at Lexi, nasa likod naman si Third.

"ok na ba kayo jan? mahaba byahe pero try nyong wag makatulog, maganda pamandin yung mga madadaanan natin" sabi samin ni Ian habang inaayos ang Seat belt nito,

"oo ok na kami, tara na?" sagot naman ni Kobi dito,

Nakita ni Ian na hindi mahila ng maayos ni Veronica yung seat belt nito kaya tinulungan nya itong magkabit ng seat belt.

Habang nakatingin ako dito at pinapanuod ang ginagawa ni Ian, narinig ko namang umubo si Kobi kaya napatingin ako dito, ganun na rin si Ian.

"a...ahh kasi matigas na pala talaga yung sa seat belt ng passenger seat kaya tinulungan ko na si Veronica" pagpapaliwanag samin ni Ian,

"sana pala pre pinaayos mo na, delekads yan pag may nainis... este pag emergency" singit naman ni Third,

Tumango nalang si Ian dito at pinaandar na ang sasakyan, tsaka binuksan ang radio para daw hindi boring habang nasa byahe kami.Tumingin nalang ako sa labas at totoo ngang magaganda ang makikita mo rito kaya binaling ko nalang ang atensyon ko sa labas at nilagay ang earphone sa tenga ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising lang ako dahil sa ginigising ako nitong si Kobi,

"pre nagmessage sakin si Megan" bungad sakin nito, kaya agad kong kinuha ang phone ko para icheck kung nagmessage na ba sakin si Megan.

"Love andito na ko, sorry di ako makapagmessage sayo. Paglapag ko kasi pinadiretsyo na ko ni papa sa meeting place namin ng client, I'm sorry talaga! kamusta yung bakasyon nyo jan? wag na wag kang mambababae ah! lagot ka talaga sakin, I miss you Love!"

Magrereply na sana ako sa message ni Megan ng bigla naman itong tumawag, nagdalawang isip pa ko kung sasagutin ko ba o hahayaan ko nalang syang tumawag.

"sagutin mo" sabi sakin ni Kobi, kaya sinagot ko nalang ito kahit hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko.

"Love!" tawag sakin ni Megan galing sa kabilang linya,

"I miss you! napatawag na ko kasi nakita kong nabasa mo na message ko, baka kasi may babae ka na jan eh" dagdag pa nito, hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang isasagot ko dito,

"Love? anjan ka ba?" tanong nito,

"a...ah M...Meg! ah oo kakabasa ko lang sa message mo" utal na sagot ko dito,

"kumakain ka ba jan ng maayos?" tanong nito sakin,

"oo naman, ikaw? kumakain ka ba jan?"

TOTGA : The one that Got awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon