Chapter 1

84 1 0
                                    

Qoute of the chapter:
               "If you asked me about love, I can't answer you. But if you ask me whom I love, the answer is.. You."

[Harmony Chrizaine's POV]

"Hi Guys!!" Masayang bati ko sa mga kaibigan ko. First day kasi ngayon ng pasukan at siyempre, namiss ko ang T-ReX.

"O. Ba't masaya ka ata?" Tanong sa'kin ni KhyCn. (pronounced as Kay-Seen) Isa siya sa mga kaibigan ko, maganda siyang magdala ng mga damit. Maraming mga boutique ang mommy niya kaya naging isang certified siyang fashionista.

Ang kaibahan lang niya sa iba, di siya maarte.

Binatukan ko siya. "Aray! Ang aga-aga, batok agad ang isinalubong mo sa'kin?? Haw der yu!"

"Heh!" Inirapan ko siya na tawa ng tawa. "Bakit naman ako hindi magiging masaya eh kasama ko ngayon ang barkada."

"Naks naman." Inakbayan ako ni Rodney. Ang nag-iisang "tunay na babae" raw sa grupo. Pff. Pagbigyan niyo na. "Bigyan ng kendi."

"Bruha! Isa ka pa!" I hugged him/her, ay ewan basta tropa ko ang isang to! Hay namiss ko talaga ang mga bruha.

"Uy. Tigilan niyo yan. Nilalanggam ako!" Kris Tin commented, ang pinakamakulit sa lahat, tinutukoy ang pag-akbay sa'kin ni Rodney kaya binatukan ko rin siya. "Aray!!"

"Balolong, tumino ka nga!" Nagtago naman siya sa likuran ni Aizikiel, ang nag-iisang dancer sa grupo. "Kiel, o! Inaaway ako." T_T

"Ipinaglihi kasi sa sadista." Hirit ni Jilleana, isa pang loka-loka at nagtawanan silang lahat.

Ge, kayo na ang masaya.

"Sige. Pagtulungan niyo ko." I pouted. Nagkunware akong nagtatampo. Kinurot naman ni Janina, ang dakilang PG (patay-gutom), ang pisngi ko.

"Eto naman! Masyadong pikon."

KhyCn, Rodney, Kris Tin, Jilleana, Aizikiel, Jilleana and I are close friends since first year high. We find out kasi na nagkakasundo kami sa mga kalokohan kahit may kanya-kanya kaming trip sa buhay. Kaya ayun, we formed the group T-ReX.

T-ReX kasi wala na kaming ibang maisip na pangalan, and mas cool kasing pakinggan eh.  Pangalan pa lang, di niyo aakaling mga loka-loka pala ang mga miyembro.

Masaya kaming nagkamustahan at nagkukuwentuhan tungkol sa mga bakasyon namin nang mahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na lalaking pumasok sa room namin.

Hala! Nananaginip lang ba ako?

"Buhay ka pala?!" Salubong ni Icen sa kanya. Icen was the team captain of the Wolves, ang basketball team ng Stronghold Academy.

"Gago! Anong kala mo saken? Tigok na? Umayos ka nga!" He said as they gave each other a manly hug.

Oh my! Kamamatay ko lang ba kanina? Nasa langit na ba ako?!

"Long time no see, Montezor." His other friend, Rayken, a Campus Prince and a cassanova, greeted him.

Bakit nandito siya?! I blinked for the hundred time before I concluded that I wasn't hallucinating. Omo! Totoo nga!

"Musta na, Fontanilla?" Huhuhu. Bakit ba ang sarap sa pandinig ng boses niya??? Nababaliw na ba ako?!

"Eto, gwapo pa rin. Ikaw? Balita ko marami kang flings dun ah." Hala! Naging playboy siya dun?! Sa dati niyang paaralan?!

Waeyo?! Nande?! Why?! Bakit?! Paano?!

"Sa gwapo kong to, sino ba ang hindi magkakagusto." I saw him grinning boyishly. Oo nga, sa gwapo mong yan nahulog agad ako sa'yo--- Hala! Sa'n ko napulot yun?!!

Dear CrushmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon