Chapter 3

41 1 0
                                    

Qoute of the chapter:
"I get jealous because I love you and I don't want anyone else to have you."

[Harmony Chrizaine's POV]

"Lyssa, gusto mo libre kita?"

"T-talaga?"

"Oo naman! Ikaw pa." I saw him winked at her kaya lalo akong napasimangot. Bigti na, teh.

Andito kasi kami ngayon sa cafeteria at badtrip na badtrip ako ngayon kasi mas pinili niyang makasama si Lyssa keysa sa'kin.

-Flashback-

"Hay. Salamat. Snacktime na! Gutom na ako." I heard him beside me kaya may ideya na pumasok sa "matinong" utak ko.

"Ah... Jvan." 'Ge, push mo yan teh. Nasimulan mo na!

"Bakit?"

"Ah.. Eh.. Gusto mo sabay na tayong magsnack?" I gave him one of my sweetest smiles pero nawala yun nang akbayan niya si Alyssa.

Juice ko! Ayokong masaktan ng maaga!

"Sorry, Harm! Pero sabay na kami ni Lyssa, eh. Di ba?" Tumaas-baba ang mga kilay niya habang nakatingin kay Alyssa. Putek! Bakit may kumirot ata sa puso ko?!

"H-ha?"

"Tara na nga. Nang dahil sa kagwapuhan ko, tulala ka diyan. Don't worry, ililibre kita." He said at ayun! Umalis silang dalawa at iniwan akong mag-isa.

SAKLAP. Parang ayoko nang kausapin siya.

-End of Flashback-

Nahiya ako sa ginawa ko. Biruin niyo! Ako pa yung nagfirst move tapos ako pa tong maiiyak na ata dahil sa pangde-dedma niya sa beauty ko.

"Uy!" Kris Tin snapped her fingers infront of me and I came back from my thoughts. "Nakasimangot ka diyan?"

"Oo nga!" Aizikiel agreed. "Anyare? Bakit parang gumuho yata ang mundo mo?"

"Huhuhu. Yoko na!!" Naiiyak na nilantakan ko ang pagkain. Pero tumigil ako kasi nakatingin silang lahat sa akin. Hay, 'ge na nga.

Kaya wala akong ibang nagawa kundi ikuwento sa kanila ang nangyari kanina.

"Ikaw kasi eh!" Umiling-iling si Rodney pagkatapos marinig ang kadramahan ko. "Sana 'di ka na nagtanong pa at kinaladkad mo na yun papunta dito!"

"Gaga! Yun na nga lang ang kinaya ko, mangaladkad pa kaya?"

"Sana nagpalibre ka na lang." Naghihinayang na sabi ni Kris Tin.

"Yun nga eh. Pero huli na." Nagyon pa lang, wa epek na ang beauty ko. Basted na 'ko. T_T

"Okay lang yan!" Malakas na tinapik ni KhyCn ang likod ko.

"Aray naman!" I glared at her. Sawi na nga ako rito, iba pa ang trip ng isang 'to. "Reymundo, umayos ka."

"Pff. Yun lang ang nangyari, umaayaw ka na? Paano pa kaya kung may nagustuhan siyang iba? Magbibigti ka na?" Manhid din ang bruhang 'to, eh. Pinalalala pa ang sitwasyon ko.

Waaaaah! Gusto ko nang umiyak.

"Uy. Wag namang ganyan!" Janina tried to lighten up the atmosphere. "Malay niyo, matisod lang si *pabulong* Jvan at may gusto na siya kay Chrizaine."

"Agad-agad?" Tumaas ang kilay ni Jilleana.

"Oo naman! Wala kayang imposible sa mundo!"

Hay, sana nga. How I wished na sana hindi imposible na magkagusto siya sa akin. Pero ewan ko lang sa lablyf ko, one week pa lang...

Hopeless na.

.

.

.

.

.

.

.

After 3 days..

-At the Classroom-

"Hala! Anong nangyayari?" Tanong ko sa mga kaibigan ko nang palibutan ng mga kaklase namin ang mga upuan namin.

Nagkibit-balikat naman ang T-ReX. Clueless din.

Kaya pinilit kong makipagsiksikan para makita at malaman kung ano ba talaga ang nangyayari.

"Excuse me."

"Kiyaaaaah~ Kinikilig ako para kay Alyssa! Sana may mangharana din sakeeen!"

Huh? Ano daw?

"Excuse me."

"Huaaaaaah~ Bagay na bagay sila!!"

"Excuse nga sabi eh!" Bulyaw ko kay Genessa na nakaharang sa harapan ko.

"Ay, sorry." Umalis naman siya agad then I found out what was happening.

Gusto kong umiyak. Harap-harapan talaga? Ipapamukha talaga sa akin na wala na akong pag-asa???

Nakita ko siyang kumakanta, while strumming on his guitar and looking at her with that certain emotion in his eyes.

Nakita ko naman si Alyssa na halatang kinikilig. Habang hinaharana siya.

Ang sakit lang. Kung ganito lang pala ang makikita ko, sana di na lang ako naging uchiserang palaka. Sana, di na lang ako nagpumilit pang malaman kung ano ba talaga ang nangyayari.

Sana, di na lang ako nahulog sa kanya noong araw na 'yun.

Naiiyak na umalis ako sa kumpulan at nagmamadaling lumabas.

"Hoy! Bruha, sa'n ka pupunta?" Hinarangan ako ni Aizikiel.

"Magbibigti na." Umiiyak na sagot ko sa kanya. Tokwa! Ayoko na sa lintek na pag-ibig na yan! Nakakasakit lang sa puso.

"Hala! Seryoso?" Tanong ni Janina at tumango na lang ako.

"Ano ba kasi ang nakita mo?" Jilleana asked and I cried even harder when I heard him asking her.

"Eto na! Magtatanong na si Jvan! Yieeeh~"

"Alyssa Fuentes, can I court you?"

Nag-aalalang tinignan naman ako ng mga kaibigan ko. I forced to give them a smile but I can't. Kasi nasasaktan ako.

"Yun, o!"

"Oo na yan!"

"Wuuuh! Sagutin mo na!"

Tumahimik ang lahat nang hindi pa sumasagot si Alyssa. "L-Lyssa?" I heard Jvan asking with nervousness.

"Yes." Sagot niya and the crowd cheered for them.

"Congrats bro! Binata ka na!"

"Hanep! Iba talaga 'pag si Fontanilla ang manliligaw!"

"Waaaaaah~"

"Yey! May bago na tayong loveteam! VanSsa!!!"

Umiiyak na umalis ako sa lugar na yun. Tumakbo ako at hindi ko nilingon ang mga bruha na tumatawag sa akin.

Bakit ba kasi hindi ko naisip na sa una pa lang, wala na akong pag-asa? Bakit ba kasi hinayaan ko ang sariling magpakatanga?

*-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**

A/N:

#TeamVanSsa

Or

#TeamJ-Harm ?.??

Dear CrushmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon