Chapter 6

17 1 0
                                    

Qoute of the chapter:
                  "Sometimes, you can't voice out your true feelings. Even how talkative you are.. Even how fool you are.. Even how noisy you are.. Maybe because saying what you feel won't change anything."

[Harmony Chrizaine's POV]

"Hmmff.." Inaantok na nakayuko lang ako sa armchair. Breaktime kasi ngayon at mas pinili kong matulog keysa sa magpakabusog.

Hay, yung mga bruha.. Iniwan talaga ako. Sabagay. Palaging gutom ang mga yun. Pff.

Puyat kasi ako kagabi sa kapapanood ng K-drama. At parang namaga yung mata ko sa kakaiyak. In short, kailangan ko ngayon ng "beauty rest". Tch

I was drifting to sleep nang makarinig ako ng nag-aaway.

"Lyssa, let me explain."

"Anong explain?! Wala ka nang dapat ipaliwanag pa! Dahil lang sa pustahan ang lahat!"

Using my instinct, nagtago agad ako sa likuran ng upuan kasi alam ko kung sino ang nag-aaway. At yari ako nito ngayon. Huhu

"Pero mahal kita--" Ouch. Napahawak ako sa sariling dibdib. Bakit ang sakit parin?

"Are you kidding me?! Matino ba ang lalaki na pagpupustahan ang babaeng mahal niya?! Tell me!!!"

"Hindi." Nakita kong pinilit niyang hawakan ang kamay ni palaka este Alyssa pero tinabig ito ng huli. "I'm sorry kasi nadala lang ako sa barkada. Pero if you'll give me another chance--"

"Nooo! I won't give you another chance because you're not worthy of it anymore!" She angrily said bago nagwalk-out. Wow, ang hanep ng exit. Ma-try nga minsan. Pff.

"Dammit!" Frustrated na ginulo ni Jvan ang buhok niya. Hala! Patay ako nito!

Tahimik na naghanap ako ng matataguan kaya lang...

"Harmony. Chrizaine. Mendoza." His voice sound so dangerous kaya napalunok ako.

"Lumabas ka na. Alam kong nandyan ka."

Dahan-dahan akong tumayo at walang choice na hinarap siya. "Hehe. H-hi Jvan!"

Galit na nilapitan niya ako. "Ano?! Masaya ka na ba, ha?!"

"J-Jvan.." I winced nang marahas na hinawakan niya ang braso ko. "B-bitiwan m-mo ako."

"Masaya ka na ba, kasi nakita mo akong nasasaktan?!" Napapikit ako kasi naramdaman ko ang sakit sa boses niya.

"I'm sorry."

"Sorry?! Yun lang ba ang masasabi mo?! You ruined everything!"

"H-hindi ko sinasadyang sabihin sa kanya."

"Well hindi ko rin sinasadyang sabihin sa'yo na kailan man hinding-hindi kita magugustuhan!!!" He said before he left me speechless.

Umiiyak na napaupo ako sa sahig.

"I-I'm s-sorry." Kasi, hinayaan kong lamunin ako ng selos at galit at sinabi ko sa kanya ang lahat.

.

.

.

"I-I'm sorry." Kasi, nang dahil sa'kin, galit ngayon sa'yo ang babaeng mahal mo.
.
.
.

"I'm so sorry." Kasi.. Nang dahil sa akin, nasasaktan ka..

"Hala! Chrizaine! Okay ka lang?" Nag-alalang nilapitan ako ng mga bruha pagkabalik nila.

"Ang sakit." I sobbed and they all hugged me tightly.

"Zaine, tama na 'yan." Hinimas ni Janina ang likuran ko.

"Ang sakit sakit." Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak.

Ngayon ko lang nalaman na wala nang mas sasakit pa kung maririnig mismo mula sa taong mahal mo ang mga masasakit na mga salitang yun. And I regret everything I did back at the cafe because it caused his heartaches at nasasaktan rin ako para sa kanya.

Ang hirap pa lang magmahal. Di mo talaga maiiwasan ang masaktan.

*-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**

A/N: #AnotherHeartache

Dear CrushmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon