Chapter 8

29 1 0
                                    

Qoute of the Chapter :
                  "You are the reason why I'm smiling in the middle of nothing.."

[Jvan's POV]

"... Sumuko ka na.." I heard a familiar voice pero di ko pa magawang tignan kung sino kasi nanghihina pa ako.

"Lyssa.." Sana hindi ikaw yung narinig ko.

Ayokong maggive up, kasi siya na yung mahal ko mula nung childhood days pa naming dalawa. At kahit malabo nang magkaroon ako ng chance para maging girlfriend ko siya, hindi ako susuko.

Kasi siya na yung ideal girl ko sa simula pa lang.

Pero ngayon, naguguluhan ako sa sarili ko. Hindi ko kasi alam kung bakit pero imbes na mukha ni Alyssa ang nasa isip ko, iba ang nakikita ko.

Harmony?

.

.

.

.

.

"Aaah.." Dahan-dahan akong bumagon mula sa pagkakahiga. At nawala bigla ang antok ko when I realized na hindi ko to kwarto.

"Alyssa?" I called her, hoping na siya nga ang nag-alaga sa akin. Pero iba ang mukhang nabungaran ko, and mas lalo akong naguluhan when I found myself smiling at her sleeping face. Nakaupo siya at dun lang siya natulog sa tabi ko.

Harmony..

"Tumigil ka nga." I scolded myself. Bakit ko ba tinititigan ang babae na siyang dahilan kung bakit galit si Lyssa sakin ngayon?

Aalis na sana ako sa kama when I realized na kanina pa pala nakahawak ang ang kamay ko sa kamay niya.

Nagsalubong ang mga kilay ko.

Ano ba ang nangyayari sa akin? Binitiwan ko ang kamay niya. Tumayo na ako at umalis ng tuluyan sa kama.

Umikot ako at nilapitan ko si Chrizaine. Dahan-dahan ko siyang binuhat at inihiga sa kama. I don't know why but I don't want to leave her alone sleeping uncomfortably. Siyempre ,siya yung nag-alaga sa'kin. Kaya bumabawi lang ako.

But it doesn't mean na napatawad ko na siya.

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, I found myself kissing her the top of her forehead..

Then her nose..

And her lips..

Pero saglit lang yun kasi nabigla ako sa ginawa ko at bahagya akong lumayo sa kanya. "Umayos ka nga, Jvan. May Lyssa ka na."

Napakamot na lang ako sa ulo.

"Makaalis na nga lang.. Baka ano pa ang magawa ko."

.

.

.

.

.

.

.
-At the Cafeteria-

[Harmony Chrizaine's POV]

"O, anong ngiti yan?" Uchiserang tanong sa'kin ni Rodney.

"Inspired lang," parang ewan na ngumiti ako sa kanila.

"Inspired? Eh para kang timang." Aray, ha. Konti na lang sasabunutan ko na ang baklang 'to.

"Wag ka na ngang umepal. Kita mong kinikilig ang isa diyan." Singit ni Jilleana na tinabing ang mukha ni Rodney.

Pff. Iba rin ang isang 'to, eh.

"Waah~ Ano ba?"

"Nakaharang ka kasi, eh."

"Sama mo talaga."

"Kaw naman, uchisera."

"So ano? May nangyari ba sa inyong dalawa?" Interesadong tanong sa'kin ni Aizikiel at halos nabilaukan kaming lahat.

Ano ba namang babae, to. Ang halay ng mga tanong.

"Oy, anyare sa inyo?" Nagtatakang tinignan niya kami.

Pff. Tinatanong mo pa.

Tumawa naman siya nang marealize niya kung ano ang iniisip namin dahil sa tanong niya. "Hoy, wag kayong ganyan ha! Ang aga-aga, polluted na mga utak niyo! Tumino nga kayo! Tinatanong ko lang naman kung nagkaayos na sina Chrizaine. Kayo ha.." Napailing na lang siya.

"Kala namin kung ano na.." Napakamot na lang si KhyCn sa ulo. "Ayusin mo kasi ang pagtatanong."

"Eh bawas-bawasan niyo rin kasi ang kahalayan diyan sa utak niyo. Ang mga bruhang 'to.. Masyadong green-minded."

Nagtawanan naman kaming lahat.

"So ano nga? Kuwento mo na dali.." Pamimilit sa'kin ni Kris Tin.

"Geh na nga." Kinikilig na ikinuwento ko sa kanila ang nangyari pagkatapos nung saka Alyssa. Kaninang umaga kasi, nagulat ako nang wala na si Jvan at natagpuan ko ang sarili na natutulog sa kama.

Kiyaaah~ Binuhat niya ko! Mey gad! Kinikilig pati mga ovaries ko!!! Haha.

"Ay.. Isa lang ang masasabi ko diyan, Zaine." Janina said.

"Ano?"

"Di ka pinagnasaan ni Jvan--Aray!"

Hinampas ko siya. "Grabe ka! Yung bibig mo." Babaeng 'to.. @ngaplkjsjxcncds!!!

Tinawanan naman niya 'ko. "Oy, joke lang yun. Kaw naman.. Sino ba naman ang di maglalaway sa'tin eh lahi tayo ng mga magaganda."

Sumang-ayon naman ang iba.

"O, wag ka nang sumimangot diyan... Malay mo soon." She teased me at binato ko siya ng nilakumos na tissue. Naku! Humanda talaga sa'kin ang bruhang 'to pag nagkalablyf siya. Di ko talaga siya tatantanan!!

Pero nalilito lang ako sa isang bagay. Kanina kasi bago ako gumising, napanaginipan kong hinahalikan daw ako ni Jvan. At pagkagising ko, parang totoo...

Kiyaaaah~ Wag kang ganyan heart. Magbehave ka!

Hay.. Nalilito na talaga ako sa sarili. I was hesitating kasi kung ano ba talaga ang gagawin ko.

Susuko na ba talaga ako o ipaglalaban ko ang feelings ko para sa kanya?

*-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**

A/N: #KiligMats XD

Dear CrushmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon