Chapter 2

51 2 0
                                    

Qoute of the chapter:
                  "You are the reason why I'm smiling in the middle of nothing.."

[Harmony Chrizaine's POV]

"Ang daya! Ba't iniwan nila ako?!" Natatarantang tanong ko sa sarili nang malaman kong iniwan ako ng T-ReX dahil nanood sila ng try outs para sa soccer team. "Eh nandoon ang Jvan ko, eh!"

Padabog na naglakad ako papunta sa open field. Huhuhu. Ang sama ng mga bruha.

I read the text message when my phone vibrated. It was from KhyCn.

Himala. Naalala nila ako. -_-

Oy, bruha. Sorry kung hindi ka namin ginising. Sa sarap ba naman ng tulog mo, alam naming kahit sa panaginip hinahalay mo siya! Pff. Haha. Kaya wag ka nang magtampo. Kung gusto mo, humabol ka na lang kasi kasisimula pa lang ng try outs..

P.S. Dalian mo kasi andito na ang Jvan MO.

"Waaah~ Ayhetchu talaga!" Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad at nakita ko agad ang mga bruha na kumakaway sa'kin pagdating ko.

Lalapitan ko na sana sila when Jilleana mouthed something at me.

Tumigil ako. "Ano?" I mouthed back kaya inulit niya.

"Ano?! Gorilla ako?!" Kadadating ko pa lang, lait na agad ang sumalubong. Hanubhayan! Umiling siya then she mouthed it again.

"Isigaw mo na nga lang!" I shouted at her. Ni isa kasi, wala akong naintindihan. =_=

"Umilag ka---"

"Huh? Ano naman-- Aray!" Ewan ko ba kung ano ang tumama sa akin kasi bigla na lang ako nahilo at natumba.

Pinalibutan naman ako agad ng ibang mga estudyante. Nanlalabo na ang paningin ko nang maramdaman kong may bumuhat sa akin.

Jvan..

"Sorry." Rinig kong sabi niya. "I'm so sorry." He kissed my temple. "Sorry, hindi ko sinasadya."

Ohkey lang. Di ko rin sinesedyeng mahulog sa'yo, eh. Hihihi

May sayad ata ako sa utak kasi nagawa ko pang kiligin bago mawalan ng malay. "Saveh kow ngaaa.. Umelag.."

.

.

.

.

.

.

.

.

"Hala!" Napabangon agad ako mula sa pagkakahiga. "Anong nangyari sa akin?" Hinimas ko ang masakit na parte sa ulo.

"Waaaaah~ Bakit may bukol ako?" T^T

"Hmmf--" Naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko.

"Aaaaaaaah!"

"What--"

"Aaaaaah!" Tinakpan niya ang bibig ko.

"Gising ka na pala." He charmingly smiled at me.

Wut?? Bakit siya natulog sa tabi ko?

"Jvan?" Inalis na niya ang kamay sa bibig ko. "Anyare ba kasi? Ba't andito tayo? Bakit may bukol ako? Huhu~" Waaah. Amnesia na ba to? Bakit wala akong maalala?

Nahihiya na napakamot siya sa kanyang ulo. I find it cute. "Sorry talaga, Harm. Di ko sinasadyang sipain papunta sa direksiyon mo ang bola. Kaya natamaan ka. Sorry ulit."

I nodded understandingly. Unti-unti ko na ring naalala ang lahat. "Okay lang yun!" Ngumiti ako sa kanya. Wahaha! Yieeeh. Solo ko siya ngayon..

"Thanks." Hinawakan niya ang kamay ko. Nyaaah~ Bakit parang may kuryenteng dumaloy mula sa kanya?

"Hehe. Kalimutan na natin yun." Binawi ko na ang kamay ko. Ayokong mahimatay na naman dahil sa kilig. "Minsan kailangan ko ring tamaan

ng bola para tumino ang utak ko."

"Pff haha." He ruffled my hair. "Ikaw talaga. Halika na nga. Ihahatid na kita." Saan? Sa bahay natin? XD

-At the parking lot-

"Ah... Jvan.." Napalunok ako when he lean on me kasi ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin. Tapos ang bilis pa ng tibok ng puso ko, na parang kagagaling ko lang sa marathon. Waaah! Puso, magbehave ka! Wag kang ganyan.

"Bakit?"

"A-anong g-ginagawa mo?" I stuttered. Grabe! Bakit ba ako kinakabahan?

"Yung seatbelt mo." Ah.. Yung seatbelt ko pala. Akala ko kung ano na.. Sayang!

Inayos niya ang seatbelt ko then he started the engine.Narealize ko ngayon na kanina ko pa pala pinipigilang huminga. Kiyaaaah~ Hanuba ang nangyayari sakeen? Naguguluhan na ako!?!

Tinanong niya kung nasaan ang address ko then he drove me home.

"Jvan.."

"Ano yun?"

"Salamat." I said then I kissed him quickly on the cheek bago ako nagmadaling pumasok sa gate namin. Waaaaah! Gusto kong magwala.. Sa kilig!!

Hinintay ko munang umalis ang sasakyan niya bago ako lumabas. I stared dreamingly sa papalayo niyang sasakyan. Iba na'to! I can feel it..

"Jvan.. Sa tingin ko, hindi na kita crush.."

.

.

.

.

.

.

"Kasi, mahal na kita."

*-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**-**

A/N: Yieeeeh~ Hanuraw?! XD

#J-Harm

Dear CrushmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon