ᴇɴᴛʀʏ #1

3 1 0
                                    

 
❝ PATAWAD❞ 
By: celestialism_

Talo na naman ako,
Sa laban na ako lang ang lumaban,
Sa laban na ako din ang sinukuan,
Sa laban na ako din ang naiwan.

Lumaban naman ako pero bakit ako pa din ang talo?
Bakit ako pa din ang di nanalo?
Bakit ako pa din sa huli ang 'di nasalo?
Bakit ako pa din sa lahat ng pagtitiis ko sayo?

Nagmahal lang naman ako pero bakit ganto ang natamo ko,
Sakit na di ko akalain na mararanasan ko,
Sabi mo nung una "hanggang dulo",
Pero ngayon ang huling kataga mo "ayoko na pagod nako"

Pagod saan?
Sa pagmamahal ko na sayo lang inilaan?
Sa pagsunod ko sa lahat ng iyong mga paraan?
Bakit nung ako ba napagod ikaw ba'y hiniwalayan?

Ang daya mo naman, napaka-daya mo.
Napagod ako pero ikaw yung ginawa kong pahinga sa nakakapagod kong mundo.
Napagod ako pero ikaw agad yung inisip ko paano na tayo?
Napagod ako pero hindi ko inisip na sumuko sa iyo.

Pero sige tatanggapin ko na talo na ako.
Talo na ako kasi napagod ka sa paulit ulit na pagtatalo,
Talo na ako kasi paulit ulit na lang ako,
Talo na ako kasi pag-ibig ko sayo ay totoo.

Patawad kasi natalo pa din ako.
Sa paligsahan na ang magkalaban ay ikaw at ako.
Patawad sapagkat binigay ko ang lahat,
Ang lahat sa taong di naman karapat dapat.

Patawad sapagkat talo na naman ako,
Sa relasyong pilit kong binuo,
Sa relasyong di itinadhana ng mundo,
At sa pagpilit ng ikaw at ako.

: )
 

Reverie CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon