ᴇɴᴛʀʏ #2

3 1 0
                                    

I always think "paano siya", "okay lang ba siya" but I forgot "paano ako, okay lang ba ako?" - @mrvintotss,Twitter

Sarili❞ 
By: celestialism_

Nanlalamig ka na ba?
Kasi ako oo, nanlalamig na.

Nanlalamig ako pero mas nanlamig ka.
Naiwan mo ako sa mundo nating ikaw ang may gawa.
Naiwan ako sa libro nating di tapos ang paksa
Naiwan ako sa kwento natin na dapat tayo ay dalawa.

Gusto kong sumigaw.
Gusto kong itanong sa mundo kung bakit ka bumitaw.
Gusto kong itanong sa Diyos kung bakit di ko natanaw.
Gusto kong itanong kung bakit ka gininaw.

Para akong pinapatay ng lamig sa pagkapit ko sa'yo ng mahigpit
Pagkat pait ng kahapon ay kadikit
At ang mga alaala ay bumabalik
Sa tuwing mata ko ay ipipikit.

Kailan ba matatapos ang pagtitiis
Nang pusong labis ang paghihinagpis
Nang pusong durog ang sinapit
Sa paghahabol sa taong di naman dapat pinipilit

Saan ba ako dapat magsimula?
Sa paglimot ng mga masasaya nating alaala?
Sa pagaayos ng sarili sa natamong pinsala?
O sa pagtigil sa pag-iisip na babalik pa siya?

Hindi ko na alam.
Para akong pinapatay sapagkat wala na akong pakiramdam.
Kailan ba ito matatapos?
Kapag ang luha ba ay natigil na sa pag-agos?

Siguro nga ay dapat na akong sumuko
Sumuko sa mga pangako niyang napako
Sumuko sa mga pangako niyang hindi totoo
At sumuko sapagkat pagod na ko

Tigilan ang paghahabol sa taong di ikaw pinili
Tigilan ang taong di sigurado kung kayo ba hanggang huli
Tigilan ang taong ikaw ay tinatali
Tigilan ang taong mali para sa sarili.

Tapusin ang dapat tapusin.
Wag habulin ang taong kaya kang tiisin.
Wag habulin ang taong di ka kayang intindihin
Wag habulin ang taong di ka na kayang mahalin.

Sapagkat sa huli ikaw ay magsisisi
Dahil maraming tao ang makakasaksi
Sa pagsira mo sa iyong sarili
Dahil sa taong wala namang silbi.

: )

Reverie CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon