PARA ITO SA MGA TAONG BINIGAY ANG LAHAT SA TAONG DI NAMAN KARAPAT DAPAT.
❝Bitaw na❞
By: celestialism_Bitaw na,
Dahil hindi ka trumpo para paikot-ikutin nya.
Bitaw na,
Dahil hindi ka laro para maging pampalipas oras lang nya.
Bitaw na,
Dahil hindi ka waiting shed para antayin sya.Nakikita mo ba ang iyong sarili?
Malaki na ang pinagbago ng iyong ugali.
Hindi na ikaw yung masiyahin na laging nakangiti.
Tanong ko lang, bakit ka nagbago?
Dahil ba sa lalaking ikaw ay ginago?
Dahil ba sa lalaking ginawa mong mundo?Ang tao ay dapat tao lang,
Hindi dapat ito ginagawang mundo,
Dahil isa lamang itong nilalang na maaaring sumira sa'yo.
Mali, nasira ka na nga pala ng tinatawag mong mundo.
Dahil hinayaan mo siyang abusuhin ang pagkatao mo.
Dahil hinayaan mo siyang ulit-ulitin ang panggagago niya sa'yo.Masakit ba?
Wag ka mag-alala may mas sasakit pa.
Yun ay ang binitawan ka nya.
Binitawan ka nya sapagkat wala ka nang halaga sakanya,
Binitawan ka nya sapagkat nakahanap sya ng 'mas' kahit binigay mo na ang 'pinaka',
Binitawan ka nya kasi alam niyang nasira ka na nya.Kaya bitaw na,
Sapagkat masaya na siya sa iba.
Bitaw na,
Sapagkat di na ikaw ang kailangan niya.
Bitaw na,
Dahil hindi na ikaw ang mahal niya.Tama na,
Panahon na para ikaw naman ang maging masaya.
Tama na,
Dahil sirang-sira ka na nya.
Tama na,
Dahil panahon na para makalaya ka na sakanya.Tama na.
Bitaw na.: )
BINABASA MO ANG
Reverie Catastrophe
Poetry:¨·.·¨: '·..୭̥ *。⁀➷ ˊˎ- let's get lost in our own thoughts and let the ambivalence feeling overcome yourself ➶ 。˚ A compilation of different kinds of poetry made by yours truly. ♡