"Leche naman.."
Huminga ng malalim ang babae kasunod ng pag higop nito ng kape. Nilapag niya ang mug at nilipat sa kaliwang tenga ang telepono.
".. Ang sakit naman nito." Natatawang sabi nito habang lumuluha.
[Wala eh. Bulag ka sa pagmamahal mo sa kaniya noon kaya 'di mo napansin. Ngayong nagising ka, tsaka mo lang naramdaman yung sakit.. At least ngayon natauhan ka, may ginawa ka na para matapos 'yang kagagahan mo.] Sagot ng babae sa kabilang linya.
"'Di ko lang maiwasan isipin eh. Matalino naman ako, pero bakit pagdating sa kanya natatanga 'ko?. 'Di ko siya matiis, samantalang siya kayang magtagal ng isang linggo nang 'di ako kinakausap. Ganon ba ko kawalang kwenta sa kanya?."
Napabuntong-hininga lang ang babae sa kabilang linya.
"'Pag nagaaway kami, ako lagi ang nagso-sorry. Ako laging dumadalaw sa kaniya. Pati mga date namin, pilit. Mambabae siya, papatawarin ko siya. Magso-sorry lang siya pero uulitin pa rin niya. Nakakapagod. Sana ako naman yung sinusuyo niya, 'di ba?."
[Teka nga.. Nakipaghiwalay ka na 'di ba?. Tapos na dapat 'yan 'pag break na. Bakit stini-stress mo pa din ang sarili mo sa mga bagay na ayaw mo sa relationship niyo?. Papaulit-ulitin mo na lang ba 'yan sa isip mo?. Ganyan ka na lang?.]
"Eh kasi naman.." Panimula nito. Napakapit siya sa batok habang iniinda ang hiya. ".. 'Di naman ako nakipag-break para matapos kami eh. Sinabi ko lang yun para habulin niya 'ko.."
[Ano?. Gaga ka talaga 'no?.]
".. Kahit ngayon man lang, maramdaman kong sinusuyo niya 'ko. Maramdaman ko man lang na takot siyang mawala ako."
[Tang ina. Seryoso ka ba?. Magpapahabol ka pa dun?. Gugustuhin mo pa talagang balikan yun 'pag hinabol ka niya ngayong nakipaghiwalay ka?. Akala ko pa naman nagising ka na.]
"Malay mo naman kasi magbago siya 'pag tinakot ko ng konti, 'di ba?."
[Oh ano ngayon?. Natakot mo ba siya?. Natakot man lang ba siya nung nakipag-break ka?. Hindi 'di ba?.]
"Malay mo nga eh. Baka after few days makapag-isip-isip siya. Baka ma-realize niyang importante din ako sa kanya."
[Ano?. Leche, aasa ka na naman dyan sa instinct mong palyado?.]
"Siraulo ka ah?. Kaibigan ba kita?." Naluluhang sabi ng babae habang nagsisimula na namang umiyak.
[Oo. Kaya nga kita sinesermonan ngayon kahit alam kong hindi ka makikinig..] Bumuntong-hininga ang babae sa kabilang linya at humugot ng pasensya para sa kaibigan. [.. Nung nakipag-break ka ba hinabol ka niya?. Ngayon ba hinahabol ka ba niya?. Nag-abala man lang ba siyang puntahan ka para makipag-usap?. Hindi. Anong napala mo sa palabas mong 'yon?.]
"Ayun.. nasampal ako ng katotohanan, na 'di niya 'ko hahabulin 'pag umalis ako. Ang sigla pa ng pagkakasabi niya ng 'sige', kala mo inaya ko lang ng inuman eh.." Bahagya itong tumawa. ".. Pero gaga ka. Ang sakit na ah." Naiinis na sagot nito habang pinapahid ang mga luha.
[Nire-remind lang kita na 'di mo siya natakot sa ginawa mo kasi wala siyang pakialam sa'yo in the first place. Nage-gets mo na ba ha?. Wala siyang pakialam sa'yo.]
"Wow. Tangina.. Sakit. Thank you sa reminders ah.." Sarkastikong sabi nito. Sandali siya tumigil at suminga sa hawak niyang tissue. ".. Pero seryoso, thank you baks. Alam kong nung nagpaulan ng katangahan ang langit, isa ako sa mga nasa taas at namamahagi sa sobrang katangahan ko. Pero hindi ka pa din sumusuko sa'kin.."
[Syempre 'no. Kung susukuan kita, ano na mangyayari sa'yo 'di ba?. Baka lalo kang magpakagaga dun sa unggoy na yun.]
".. Siguro kailangan lang talagang maipamukha sa'kin yun para lalo kong ma-realize.. Pero leche ka pa din, ang sakit mo talaga magsalita eh."

BINABASA MO ANG
Gunita
AcakAking mga gunita sa kalagitnaan ng gabi; Ng katahimikan, maging ng kaingayan.