Kakauwi ko lang galing school and as usual, hindi na naman ako pinapansin dito sa bahay. Ano pa nga ba ang bago? Napailing na lang ako at pumasok sa kwarto para makapag-palit na ng damit.Hindi pa ako pwede maligo dahil galing ako sa dance practice. Ever since nag high school ako, ito na ang kinahiligan ko. Hindi ako sporty na tao kaya sa sayaw natuon ang attention ko.
Pinatawag na kami para kumain kaya bumaba na rin agad ako. Pagdating ko, nakaupo na sila at nag-uusap. Minsan gusto ko ring sumali pero alam ko naman na hindi nila ako papansinin.
Tulad na lang noon nang nag-uusap sila tungkol sa program na gaganapin para sa Chapter Day dito sa aming probinsya.
"Buti at matutuloy ngayong taon ang Chapter Day." Sabi ni Mama.
Hindi kasi natuloy ang Chapter Day noon dahil iba ang Mayor na nanalo. At ngayon na nakabalik sa pag-upo ang Mayor na natalo noon, nag balik na rin ang mga events dito.
"Oo nga po Ma. Kanina na nag-umpisa ang practice ng Banda sa Elementarya at pati na rin po sa School namin." Pakisali ko naman sa usapan nila.
Pero hindi ako pinansin ni Mama. Mas pinili niyang tanungin ang nakakatanda kong kapatid kung totoo ba. Yumuko na lang ako at nag patuloy sa pagkain.
Hindi lang to ngayon naganap, kundi sa maraming beses pa. Kaya sa tuwing nag-uusap sila, hindi na ako nakikisali. Kung sino pa kasi na pamilya mo, dyan ka pa nakakaranas nang pagka-Out of Place. How ironic right?
Kung alam ko lang sana na ganito rin naman pala ang mangyayari, sana hindi ko na lang ginawa 'yon. Siguro masaya pa akong nakikihalubilo sa kanila ngayon.
Parang umuuwi na lang ako dito sa bahay kasi alam ng mga tao na anak ako ng mga magulang ko. Parang naging obligasyon ko na lang na umuwi dito kesa sa pagiging anak na talagang uuwi sa bahay sa pag sapit ng alas sais ng gabi dahil hinihintay na siya ng kanyang mga magulang.
Noong una, hindi pa ako nasasanay kaya palagi akong umiiyak. Pero ngayon, parang wala na lang sa akin. Parang wala na lang na noon, nasa sa iyo ang lahat ng attention pero ngayon wala na. Na parang wala na lang sa akin na hindi nila ako pansinin kasi nasanay na lang ako. Parang wala na lang na parang hangin lang ako dito sa bahay.
Dahil sa kasalanan ko, naranasan ko 'to. Dahil sa umibig ako, naging ganito na ang trato ng pamilya ko. Alam ko naman na mali ako kaya hindi ko naman sila masisi. Isa kasi sa mga batas namin na oras na hindi pa kami nakapag-tapos sa pag-aaral, bawal muna ang mag boy friend o girl friend. Kaso matigas ang ulo ko at hindi ko sila sinunod kaya ganito ang kinalabasan.
Kaso sobrang tigas talaga ng ulo ko at ngayon inulit ko na naman. Naghahanap ako ng attention na hindi na naibibigay ng pamilya ko, siya ang bumigay. Naghanap ako ng pag-mamahal na hindi ko na maramdaman sa mismong pamilya ko, siya rin ang nagbigay. Nag hanap ako ng taong masasandalan sa mga panahon na walang-wala ako, siya ang aking naging sandalan.
Pero dahil hindi ako marunong makontento sa kung ano lang ang mayroon ako, mas lumala lang yata ang naranasan ko. Masama ba na humingi ng pagmamahal, attention at masasandalan sa isang tao? Kasi kung hindi, bakit ang sakit?
BINABASA MO ANG
Ghost from the Past
RomanceRun.. Because that is your only option to avoid insanity. Run as long as you can.. Because running for a while might help you forget those ghost from the past. But is it right to just run instead of facing it? Is it bad to choose running instead of...