Chapter One

5 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa plaza para mag practice ng sayaw. Isa ako sa mananayaw dito sa school. Meron kasi kaming sasalihan na patimpalak. Alas singko na at hindi pa kami tapos. 'Di na bale, hindi naman ako hinahanap sa bahay, tatawagan lang din naman nila ako mamaya kung kailangan ng umuwi.

"Ten minutes break guys. After ng break isa na lang at kapag hindi pa kayo sabay-sabay at may makita pa akong mali, uulitin natin ulit ang routine mula sa umpisa hanggang sa lahat kayo marunong na." Sabi ng trainer namin.

Napa-yes naman kami dahil nakakapagod naman ng paulit-ulit na sumayaw. Parang mga sira kaming plaka dahil may namali lang na isa, uulit na naman kami mula sa umpisa. At ang masakit pa dyan, lahat kami uulit.

"Eunice! Let's go. Nauuhaw na ako." Reklamo naman ni Stephanie at sa likod niya ay si Jacquiline na nakangiti.

They are my friends and buti naman dahil nahiligan rin nila ang pagsasayaw kaya magkasama kami ngayon dito. Kinuh ko lang sa bag ang phone ko at umalis din kami agad para bumili ng makakain.

Habang nag lalakad, nag-dial na rin ako ng number ni Josh. Sabi niya kasi tawagan ko daw siya if may break kami. At dahil masunorin akong girl friend, tinawagan ko siya.

"Hi moo." Bati niya agad kaya napangiti ako. Hindi pa nga nakakatatlong ring, sinagot na niya agad ang tawag ko.

"Hello moo."

Josh is my boyfriend. Malapit na rin kaming mag one year this year. Noong Grade nine ako, nakilala ko si Josh sa friend ko from La Carlota City. Una magkaibigan lang kami hanggang sa kanya ako nag o-open up ng mga problema ko.

"Tapos na ba practice niyo moo?"

"Hindi pa moo. Binigyan kami ni Kuya Dags nang break then pagbalik namin at na prefect namin ang routine, pwede na kaming umuwi."

Pagsasalaysay ko naman sa kanya. Nag-uusap lang kami through cellphone dahil magkalayo kaming dalawa. Yes. Nasa Long Distance Relationship kaming dalawa. Maraming nagsasabi na maghihiwalay rin kami pero syempre hindi kami nagpapadaig sa kanila. Pakealam naman namin sa kanila.

"Eunice! Ano bibilhin mo? Akin na pera mo. Hiyang-hiya na ako sa ka-busyhan mo dyan." Napahalakhak naman ako sa sinabi ni Stephanie.

"Ulol! Inggit ka lang kasi wala na kayo ng boyfriend mo." At sinabayan din ako ni Jacquiline sa pang-aasar kay Stephanie.

Ito lang lagi ang ginagawa namin. Though minsan nililimitahan ko yung mga sinasabi ko. Sa amin kasing tatlo, ako yung pinaka-bulgar mag salita. Kapag makikita ko na hindi nakakaganda sayo, sinasabi ko agad. They are my friends, my best friends actually. Ayoko lang na nasasaktan sila. Kaya nga minsan, hindi na lang nila akong dalawa sinasama sa kanilang kwentohan.

Minsan nakakasakit ng damdamin kasi hindi nila ako sinasama dahil baka raw ikalat ko. Bulgar at prangka lang ako manalita pero hindi naman ako ganoon ka tanga para ipakalat ang hindi naman dapat ikalat. I just don't mind it. Mismong pamilya ko nga hindi man lang kayang makinig ng mga salita ko, sila pa kaya na mga kaibigan ko lang.

Kapag masama ang loob ko, sinasabi ko lang agad kay Josh. Pinapatahan niya lang ako at sinasabihan na intindihin ko na lang daw. Ni minsan, hindi niya ako sinabihan na bagohin yung ugali ko. Hindi niya naman ako kinukonsinti, pero andyan lang siya para i-guide ako.

Siya yung taga kalma ko, sa mga panahon na gustong-gusto ko nang ibuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Bye na moo. Usap na lang tayo mamaya. Tinatawag na kasi kami ni Kuya Dags."

Nag paalam na ako sa kanya agad pagkarating namin sa gym. Nag umpisa rin kami agad sa pag-practice at buti na lang at hindi kami nagkamali. Siguro lahat sila atat na ring umuwi dahil sa pagod na ang mga katawan namin. Kaya hindi pa nag alas sais, nakauwi na kami.

Pagdating ko sa bahay, kompleto na kami at maya-maya lang ay kakain na rin kaya umakyat na lang muna ako at naligo. I also texted Josh to call me later dahil kakain muna ako. Pagdating ko sa hapag ay kompleto na kami kaya nag simula na rin kaming kumain. Ito lang ang maganda dito sa bahay dahil sabay-sabay kaming kumakain. Sina Mama naman ay nag uusap at tahimik na lang akong nakinig. Nasanay na rin akong 'wag sumabat habang nagkukwentohan sila.

Ako yung masamang hangin sa hapag na ito.

"Hi moo. How's your dinner?"

"Fine moo. As usual."

After kong kumain ay umakyat agad ako at nakipag tawagan kay Josh. Walang araw na hindi niya ako tinatanong kung kumusta ba ako lalo na tuwing nandito ako sa bahay. Alam niyang nalulungkot ako kaya kinukwentohan niya na lang ako ng mga nangyayari din sa buhay niya.

"Hayaan mo na moo. Intindihin mo na lang, okay? 'Wag kang mag-alala at mawawala rin ang galit at disappointments nila sayo."

Napangiti na lang ako. Never na naging biased si Josh tuwing nararamdaman niya na sumasama ang loob ko sa pamilya ko. Kaya napakaswerte ko dahil sa kanya ako napunta kahit magkalayo kaming dalawa. Andito lang ako sa Negros habang siya ay nasa Manila. Nagkakilala lang kami noong one year na lang ang ititira niya dito sa Negros. Kaya nga minsan nalulungkot ako dahil hindi ko man lang siya makikita na kung kailan napag-planohan ko nang sa La Carlota ako mag-aaral ngayong Senior High.

"Tulog na tayo moo? Tapos ka naman na sigurong maligo?" Napahalakhak ako ng sinabi niya iyon.

Nagpapasama kasi ako sa kanya tuwing maliligo ako through phone call. Natatakot kasi ako lalo na't minsan mga alas dose na akong lumalabas sa kwarto. Wala kasing CR ang kwarto ko kaya kailangan na lumabas muna ako.

"Tapos na moo don't worry. Good night na po. Tulog ka na rin. I love you mi ùnico."

Kahit gaano kapagod ang araw ko, matatapos at matatapos rin ito na may mga ngiti sa labi ko. Ayos lang kung hindi ako pinapansin ng pamilya ko. Ayos lang kung hindi ako pinagkakatiwalaan ng lahat. Ang mahalaga dito, may isang tao na tanggap ako sa kung ano lang ang meron ako at naniniwala sa makakaya ko.

•••••••••••rnmvnsn•••••••••••

Ghost from the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon