Chapter Two

2 0 0
                                    


Nagising ako ng narinig kong umiingay ang phone ko.

"Hello?" I answered, still closing my eyes.

"Good morning! Gising na po may pasok ka pa."

Oh. My alarm clock. Yes, siya ang alarm clock ko tuwing umaga. Hindi na ako napapagalitan ni Mama tuwing late akong nagigising dahil bago pa ako mapagalitan, naka baba na ako at mag-aalmusal na.

Agad naman akong naligo at bumaba. Hindi uso sa akin ang clear skin dahil hindi ako gumagamit niyan. Kahit pulbo hindi ako naglalagay dahil nagkaka-tigyawat ako. Wala ngang kaartehan ang skin ko pero napaka-maselan naman.

"Tao po! Tita si Eunice po?" Rinig kong sabi ng mga kaibigan ko.

Buti na lang at nakapag-tooth brush na ako nang dumating sina Stephanie. Tuwing umaga kasi nagsusundoan kaming tatlo. Nasa kabilang kalye lang ang bahay nilang dalawa. Actually lima kami. Tatlo kaming nga babae at dalawang lalaki. Kaso ngayong Grade ten namin ay hindi na kami nagkakaabutan dahil tuwing umaga, sina Jerry at Kasy ang nagbubukas ng pinto sa classroom. Both of them are officers sa school pati na sa classroom. Tuwing hapon naman ay may training sila sa Badminton habang kaming mga babae naman ay nag-eensayo sa sayaw.

Pagkarating namin sa school ay nag Pray, kumanta ng Pambansang Awit at nag discuss na rin agad ang teacher namin. Walang masyadong ganap lalo na sa class hours. Just like the typical students in school. May nag aasaran, nag babangayan, may natutulog at may mga nakikinig.

Sumapit ang recess at kumain lang kami. Hindi pwedeng magdala ng phone dito sa school namin kaya minsan ang ginagawa namin ay naglalaro kami ng mga chinese garter, patintero, jackstones, at habulan. Hindi namamatay ang larong Pinoy dito sa school namin. Yun nga lang minsan pinapagalitan kami. Lalo na kaming mga babae dahil nakapalda kami.

Pagkahapon ay nag start na rin ang discussions sa Science namin na subject. Attentive ang lahat dahil tungkol ito sa Reproductive System. Nabububay ang mga lamang loob namin lalo na ang mga kaklase kong lalaki. Pero alam ko naman na mas interesado sila kapag mag ri-ring na ang bell. Hudyat na uwian na at tapos na ang klase sa araw na ito.

Uwian sa iba, pero sa amin nagkahiwalay kami ng mga lalaki dahil pupunta kami sa mga kanya kanyang ganap namin after school. Pupunta kaming mga babae sa plaza para mag practice samantala ang dalawang lalaki naman ay sa school lang nag stay para mag practice. Nagbaon na kami ng damit at bago kami lumabas sa school ay nakabihis na kami.

Kinuha na rin namin ang cellphone namin sa isang tyangge sa tapat lang nang school namin. Pinapatago muna namin kay Tita ang phone namin bago pumasok sa campus. Tinawagan ko naman agad si Josh habang naglalakad kami papuntang plaza.

"Edi wow."

Rinig ko naman sa mga kaibigan ko kaya napatawa ako ng malakas.

"Sus. Kunwari ka pa Steph. Si Jacquiline lang dito ang walang boyfriend e. Hanapan na ba kita Jac?"

Nginitian lang ako ni Jacquiline. Ito ang pinaka mabait at tahimik sa grupo namin kaya kahit walang pahintulot niya, tinanong ko pa rin si Josh kung may pinsan ba siyang single.

"Oo moo meron. Si Jacob bakit?"

Tinukso ko agad si Jacquiline at kinuha ang number niya para ibigay ni Josh kay Jacob. Nag-aasaran lang kami hanggang sa dumating kami sa plaza.

"Hi Kuya Dags." Bati naman agad namin sa kanya.

Nakita kong hindi pa kami kompleto kaya nakipag-text na lang muna ako kay Josh.

'Moo nabigay ko na ang number niya. 'Pag nagkatuloyan 'tong dalawa talagang ililibre nila tayo'

Napatawa naman ako sa sinabi ni Josh. Ang lumabas parang naging tulay pa kami sa dalawa kapag nagkatuloyan sila. Napatigil lang ako sa pakipag-usap kay Josh nang tinawag na kami ni Kuya Dags.

Matagal na siya naming trainer. Simula noong Grade seven pa lang kami, siya na ang kinuha naming trainer at hindi naman kami nagsisi. Kahit hindi kami minsan nananalo dito sa school, natutuwa pa rin kami dahil marami kaming nalaman at experience sa pag-sasayaw. Noong nag Grade Nine lang kami nanalo at nakipag-compete sa taga ibang school. Kaya ngayon na huling taon na lang namin dito ay ginagawa namin ang lahat para ma-maintain lang na kami pa rin ang manalo at makipag compete sa ibang school.

"Okay from the start. Kaunti na lang guys at mag pa-polished na tayo."

Kapag natatapos namin ang routine, nagtatanong si Kuya sa amin kung saan kami nahihirapan at kung anong steps ang mostly sa amin nagkakamali at papalitan niya iyon ng ibang mas komportable kaming sayawin. And that's how our Kuya Dags polished our dance steps.

Magkalipas ang isang buwan na pag-eensayo namin ay sumabak na kami sa school competition. Open ang patimpalak na ito sa kahit anong year level kaya kahit nasa lower year ka namin, pwede pa rin kayong sumali sa grupo namin.

Kinakabahan na kami lalo na't alam namin na magagaling ang aming mga kalaban. Lalo na ang nasa Grade Eleven na. Walang may nakasali sa kanilang lower year kaya paniguradong nagsasakto ang schedule nila kesa sa amin.

Tinawag na kami at pinabunot ang kung sino ang tinuturing naming leader. Nabunot ni Leo ang number three. Nakahinga naman kami ng maluwag kasi minsan, mas maganda na ikaw ang nauuna. Kung ikaw kasi ang nauuna, hindi kayo nagdadalawang-isip kung tama ba ang ginagawa niyo. Hindi kayo mako-conscious sa bawat galaw niyo. Kapag kasi nasa pangalawa kayo nang kalaban na kinatatakutan niyo ay hindi mo mapigilan na ikompara ang galaw nila sa galaw niyo. Ang ending niyan, ma co-conscious ka sa pagsasayaw mo at minsan nagkakamali ka pa.

Dumating na rin ang turn namin sa pag-sasayaw kaya binuhos na namin ang lahat nang kaya namin. Ito na ang huling sayaw ko dahil lilipat na ako sa ibang school pagka Senior High ko. Kaya ang lahat na nalaman ko simula pa lang noong nag-umpisa ako sa pagsasayaw nang hiphop ay binuhos ko na. Mapa-facial expression man, sa lakas nang bawat kumpas nang mga kamay, sa tindig ng mga paa, sa kung paano dapat panatilihin ang linya at kung paanong dapat pantay-pantay lang ang galaw ninyo. Walang may nasosobrahan at wala ring kulang.

Pagkatapos namin mag perform ay nagpahinga lang kami habang nanunuod sa mga kalaban namin. Kinuha ko naman agad ang phone ko at nakita kong maraming text doon si Josh.

'Hi moo. Pang-ilan kayo sa mag pe-perform?'

'Nag-uumpisa na ba kayo moo? O nag pa-practice pa lang?'

'Good luck mi ùnico. Manalo man o matalo, para sa akin kayo parin ang panalo. Kung may nag video send mo sa akin moo ha? Manonood ako.'

Kahit malayo siya, binibigay niya pa rin ang lahat nang suporta na hindi ko makuha sa pamilya ko. Kahit ngayon, ang ibang kasama ko andidito ang kanilang mga magulang o kapatid para manood sa kanila. Samantalang ako wala man lang ni isang nakita sa kanila na nanunood dito sa akin. Pero ayos lang, pareho naman kami ni Steph kasi yung mga magulang niya busy din at nasa malayo.

Bumalik lang ang attention ko nang tapos na mag perform ang lahat. Sa ngayon, hihintayin na lang namin ang announcement. Pero sana nga, sana kami ang mananalo. Mostly sa aming grupo, lilipat na ng school. Wala kasing nag-ooffer nang STEM at ABM na strand dito sa aming probinsya. Kaya ang matitira lang dito ay 'yung mga kasama kong nasa lower year at sina Leo and Jacquiline na mag te-take ng HUMMS. Kaya gustong-gusto naming manalo dahil ito na rin ang last bond nang grupo namin. Kaya sana nga..

•••••••••••rnmvnsn•••••••••••

Ghost from the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon