Kabanata 20

241 7 0
                                    

My Einalem

Pure heart my ass! Anong pure heart ang sinasabi niya? Nabaliw na naman yata.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at ng matapos ay nag aya na si Leley at Roma sa room dahil time na namin. Ganun din sina Niña.

Habang paalis ay nahagip pa ng paningin ko si Perfi na tumatawa sa binubulong ni Jonas. Hindi ko mapigilan ang pagtitig sa kaniya. Bakit ba ang gwapo ng lalaking yun?

Ang hirap tuloy maging walang pakielam.

Habang nagkakaklase ay hindi ko mapigilan ang paglipad ng utak ko. Pinagbigyan ako nina mommy at daddy na bigyan ako ng araw bago ang mga medication ko but I still promise them na iinom ako ng medicine para sa pain reliever at marami pang iba.

Naisip ko tuloy na ang mga araw na ito ang gagamitin ko para mag isip. At sa tingin ko okay lang naman na magtravel travel muna ako.

After class ay inaya ko si Roma at Leley sa kiosk para kausapin sila. Gusto kong malaman kung may plano silang iba sa sem break eh.

"Anong chika mo?" Tanong agad ni Roma ng makaupo kami. Humarap ako sa kanilang dalawa.

"May plano ba kayo this coming sem break?" I asked. Nakita ko ang pag iisip nung dalawa at sabay pa silang tumingin sa akin.

"Sa bahay lang ako, di ba may research tayo?" sambit ni Leley. Tumango ako sa kaniya at bumaling naman ako kay Roma.

"Ang tanda ko wala naman kaming pupuntahan nina daddy." Sabi naman ni Roma. Umayos akong upo para magpaliwanag sa dalawa dahil panigurado akong mag frefreak out sila sa sasabihin ko.

"Okay...n-nagplano kasi ako na gumala this coming sem break, isasama ko kayong dalawa since may gagawin tayong research." Sabi ko.

"Sige, pero bakit naman kailangan pang gumala?" Tanong naman ni Leley. Napabuntong hininga ako. Paano ko ba ito sasabihin?

"U-Uhm...si Perfi kasi ang nag aya kaya-"

"OMG!" Gulat na eksena ni Roma.

"Susko po!" Si Leley naman.

Napairap ako. Sabi ko na nga ba eh ganito ang magiging reaksyon nilang dalawa.

"Ano kasi-"

"Kayo na?!" Exaggerated na naman si Roma.

"May label na kayo?!" Si Leley na halos tumalon na.

See? Parang mga tanga.

"TUMIGIL NGA KAYONG DALAWA!" Sigaw ko. Huminga ako ng maluwag ng tumahimik na sila.

"Okay...basta nag aya siya sa akin this coming sem break. Nag agree na ako since naisip kong good diversion to para sa research natin, ayaw kong ma stress. So go ba kayong dalawa?" Mahinahon kong paliwanag.

"Go na go! Oh my gosh! Makikita ko si Papa Perfi?!" Kinikilig na sinabi ni Roma.

"Ang alam ko magdadala rin siya ng pinsan." sabi ko pa, mukha namang naging constipated si Leley sa sinabi ko. Ano naman kayang problema nitong babaeng ito?

"Pwedeng bumack out?" Natatawang sinabi ni Leley kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Bawal kaya manahimik ka na lang diyan." Sabi ko.

Mukhang alam ko na kung anong pinoproblema ni Leley ah? Napangisi tuloy ako.

Inabot yata kami ng kalahating oras sa pagkekwentuhan dun kaya hindi namin namalayan na labasan na pala ng Engineering. Shocks! Bakit hindi ko namalayan na nasa kiosk kami ng Engineering Department?!

Since that Day (SUAREZ SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon