Kabanata 9

240 8 0
                                    

Scared

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Mukhang nakalimutang kong ibaba ang mga kurtina last night.

Bumangon na ako at naglakad na patungo sa bathroom para mag ayos. After my routine ay bumaba na ako para mag breakfast. Hindi namin pinag usapan ni Mommy yung nangyari kahapon. At wala na rin naman akong planong i-open up yun.

Umalis na ako ng walang imik after ng breakfast. I just kissed them on their cheeks before I waved goodbye.

Nang makarating sa parking lot ay mabilis na akong pumunta sa room. Medyo late na nga ako pero wala pa naman ang prof. Nakita kong nag uusap si Leley at Roma.

"Anong balita?" I asked when I sat in between them.

"Wala naman Eina, ikaw yata ang may balita eh." Parinig ni Leley. Tumaas ang kilay ko sa kanilang dalawa.

"Anong ibig sabihin ng my day mo kagabi?" Kuryusong tanong ni Roma. Mya chismosa talaga. Napailing na lang ako.

"Galing yun kay mommy at kapag hindi ko kinain yun malalagot ako kaya kinain ko so I captioned 'I won't have my punishment'" i lied.

Buti naman ay naniwala na yung dalawa pero alam kong naghihinala pa rin yang mga yan. Alam mo naman kapag chismosa dinaig pa ang mga NBI.

When the break time came agad akong nakatanggap ng text kay Perfi na kailangan niya na ang notebook kaya agad akong nagpaalam kina Leley.

"May pupuntahan lang ako ha. Wag niyo na akong i-order ng food, pakisabi na lang dun sa apat." I said. Aalis na sana ako pero hinila ni Leley ang bag ko.

"Teka nga lang! Sino ba talagang kinikita mo ha? Baka lumalandi ka na hindi pa namin alam!" Sambit ni Leley. Inalis ko ang kamay niya sa bag ko.

"Anong sino? Basta! Wag ng chismosa! atsaka pwede ba hindi ako lumalandi!" I rolled my eyes at them.

"Naku siguraduhin mo lang ha! Sasabunutan talaga kita!" Roma shouted.

Tumalikod na ako at naglakad patungo sa building ng Basic Education. Nang makarating ako ay nandun na siya, prenteng nakaupo na para bang hari.

Pabagsak kong inilagay sa tabi niya ang notebook kaya agad siyang ngumisi at agad itong sinilid sa bag niya.

"Sige aalis na ako!" Sabi ko at akma ng tatalikod ng hinila niya ako paupo sa tabi niya kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. Bakit ba kanina pa ako nahihila?!

"Kumain ka na?" He asked suddenly. Tumaas ang kilay ko sa tanong niya. Baka naman utusan niya akong ilibre siya? Naku po! Mauubos ang pera ko!

"At bakit? Magpapalibre ka?" Agad kong tanong. Pero ngumisi lang siya sa sinabi ko.

"Ang sama talaga ng tingin mo sa akin ano?" He mocked. I rolled my eyes.

"Excuse me? Hindi lang ako! Marami kami!" I said. He chuckled that made me stilled for a while. He...chuckled sexily! My gosh!

"Come on Eina, just answer me properly." He said amused.

"Hindi pa ako kumakain! At dahil yun sayo! Ang hilig mong manggulo ng araw." Mataray kong sinabi.

Bigla siyang tumayo kaya napatingala ako sa kaniya.

"Let's go." He said and then looked at me. Ako naman ay nagtaka.

"At saan naman tayo pupunta?" I asked confused.

"We'll eat! Bilisan mo at gutom na ako!" Sabi niya at hinila na ang kanang kamay ko para mapatayo ako. Babawiin ko na sana ang kamay ko sa kaniya pero hinila niya na ako paalis dun.

Nakaramdam ako ng kung ano sa sistema ko. Ramdam na ramdam ko kasi ang palad niya sa balat ko. My heart beat faster and I suddenly shivered at his touch.

"N-Nasan ba yung babe mo kahapon at bakit ako ang isasama mo?" I asked while he's pulling me towards the parking lot. Mukhang sa labas pa yata kami kakain. Napatingin ako sa paligid at agad nadismaya ng makitang may mga nakatingin sa amin. Syempre Suarez siya kaya laging apple of the eye!

"Wag kang mag alala gusto mo bang maging babe ko?" He asked playfully.

"Damn you!" I said and rolled my eyes. I heard his chuckles because of what I said. Tumigil kami sa tapat ng isang Chevy car na mukhang pag aari niya. Yamanin talaga ang lalaking ito! Bukhang bago at mahal eh!

"Sakay na!" He said before he get inside the driver seat. Wala man lang ka gentle gentleman sa katawan! Hindi man lang ako pinagbuksan ng pintuan? Hay Eina...ano pa bang maasahan mo sa lalaking ito?

Padabog akong sumakay sa front seat at nag seatbelt. Siya naman ay pinaandar na ang sasakyan.

"Saan mo gusto kumain?" He asked.

"Kahit sa fast food na lang." Sagot ko. Humalakhak na naman siya.

"Seriously? That's so cheap Eina. Choose again." He said. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Napaka yaman mo talagang hayop ka kaya hindi mo alam!

"Ano bang pake mo? Yun lang ang kaya ng pera ko-"

"I'll treat you so don't worry." He cut me off.

Kumunot naman ang noo ko. Ano naman kayang nakain ng isang to at manlilibre?

"At bakit mo naman ako ililibre?" I asked suspiciously.

"You have so many questions Eina! Ililibre kita kapalit ng panggagawa mo sa assignment ko. Is that enough reason?" He said a bit irritated.

Bumuntong hininga ako. Oo nga naman. Bakit ba naman kasi ang dami dami kong iniisip? Damn Eina! Stop this!

"Sige....kahit saan na, sayo namang pera yan." I said lazily.

"Alright!" He positively said.

I sighed heavily while staring at the road. After this I need to stop. I'm scared for myself. I'm scared for all of this. And for the first time in my life....I got scared.

Since that Day (SUAREZ SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon