Kabanata 34

216 8 0
                                    

Over

Naging masaya ang araw namin. Walang oras na hindi ako nakaramdam ng tuwa. Lalo na dahil sa kalokohan ng magpipinsan minsan ay sumasali pa sina Leley at Roma.

Makikita na ang papalubog na araw sa horizon ng karagatan. It was beautiful. Hinding hindi ko ito malilimutan. The happiness...I'm feeling...I won't ever forget this.

Sabay sabay kaming nanuod ng sunset, nagkaroon din ng pictorial ang mga Suarez. At syempre laging present ang digital camera ni Jonas. Pangarap niya yatang maging photographer.

Naglabas din ng cellphone si Perfi at nag selfie kami parehas. At sa bawat ngiti ko ay walang mababasa ditong kalungkutan, purong kasiyahan lamang.

Nang dumilim naman ay gumawa ng bonfire si Jonas at syempre may alak na naman. Nasa dalampasigan lang kami at sa gitna namin ay ang bonfire.

"At dahil last night na natin to maglalasing tayo hanggang sa hindi na tayo makalakad!" Sigaw ni Jonas.

"You already did that last night." Natatawang sinabi ni Perfi. Sinamaan siya ng tingin ni Jonas.

"Manahimik ka dahil ikaw naman ang lalasingin namin ngayon!" Inis na sinabi ni Jonas.

"Tarantado ka talaga Jonas! Bakit mo sinabi?!" Iritadong sinabi ni Edu.

Nagtawanan kami dahil mag aaway pa nga ang magkapatid. Nang dumating si Albi at Arthur na may dalang case ng beer ay agad naghiyawan ang mga Suarez at kaniya kaniyang kuha ng bote. Ikinuha ako ni Perfi. Si Roma at Leley naman ay kumuha na rin.

Tawanan at kulitan ang kinalabasan ng inuman. Talagang magigising lahat ng maligno sa mga ingay namin at ang pinaka malakas at si Jonas dahil siya ang dakilang story teller.

Maya maya lang ay nakakaramdam na ako ng antok kaya humilig ako sa balikat ni Perfi. I smiled when he snaked his right arm around my waist. Gumaan ang aking pakiramdam at lalong napuno ng tuwa ang aking puso.

"Dahan dahan sa pag inom. Baka mamaya nasa instagram na rin ang natutulog mong mukha." I whispered. He chuckled at what I said.

"It won't happen to me, I'm not weak like them." He said playfully.

Napangiti ako sa kahinganan niya. Sa bagay inborn nang mahangin ang isang Suarez.

Hindi ko na matandaan kung paano natapos ang inuman naramdaman ko na lang ang pagbuhat sa akin ni Perfi at ang malambot na kama sa aking likod and before sleepiness take my senses a one soft lips enveloped my forehead.

Sa sumunod na araw ay mabilis kaming nakaalis sa Polillo Island gamit ang yate ni Perfi. Medyo naging matagal bago nakarating ang sinasakyan naming van sa Lucena. Isa isa kaming inihatid ng driver ni Perfi. Magkakaiba pala sila ng tinutuluyang magpipinsan. Si Isacar at Isaiah ay nakatira sa mansion nila doon sa Questa Verde Subdivision. Si Edu at Jonas naman ay sa Oans Subdivision nakatayo ang mansion. I even saw Jemina waiting for her brothers. Samantalang ang magkakapatid na Arthur, Albi, Lance at Paris ay sa St. Jude Subdivision nakatayo ang mansion.

Hinatid din si Roma at Leley at huli ay ako.

"Thank you." Sabi ko. Nakatigil na ang van sa tapat ng bahay namin. Nasa labas kami parehas. I want to say thank you for him. Sa lahat ng nangyari alam kong gusto niya lang na mapasaya ako.

"Your welcome baby." He said while while smirking. Agad akong napangiwi sa tawag niya sa akin pero hindi na ako nakapagsalita ng hapitin niya ako para mayakap ng mahigpit. Niyakap ko rin siya pabalik.

"I'll call later." He said. Tumango ako at humiwalay na sa kaniya. Pumasok na siya sa van at pinagmasdan ko itong papalayo bago pa ako pumasok sa bahay.

Since that Day (SUAREZ SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon