Kabanata 33

221 12 0
                                    

Scared to death

Kinabukasan ay agad nagplano ang lahat na mag swimming sa dagat. Pero dahil may mga hang over ang lahat tamad na tamad pa sila magsibangon. Si Roma naman ay umagang umaga nagsusuka sa banyo. Si Leley naman ay tulog na tulog pa sa kama. Itong babaeng ito isa pa eh. Inihatid siya dito ni Isaiah na tulog na tulog, lasing yata.

"Gising na Leley!" Sigaw ko sa tainga ni Leley sabay sipa ko sa paa niya. Natawa ako ng bigla siyang napabangon sa biglang gulat. Taas taas pa ang magulo niyang buhok. Mukha siyang sabog sa itsura niya.

"Eina naman eh!" Sabi niya sabay irap sa akin. Humalakhak ako habang pinagmamasdan siyang parang baliw na naglalakad sa banyo. Sakto naman na kalalabas lang ni Roma na nakasuot ng bathrobe.

"Anyare don?" Roma asked, confused because of Leley's weird face.

"Ayun, lasing parin yata hanggang ngayon." Sabi ko.

"Ako nga rin eh. Ang sakit ng ulo ko! Lintek yang mga Suarez na yan! Ang lakas sa alak!" Usal ni Roma habang naghahanap ng isusuot.

Ako ay nakaayos na. Kanina pa kasi ako nakahanda dahil nag text sa akin si Perfi na agapan ko raw ang pag aayos dahil alam daw niya na pahirapang gisingin ang mga kasama namin. Mukhang siya ay nahihirapan ng gisingin ang mga pinsan niya. At dahil mags-swimming kami ngayon nagsuot ako ng two piece gray bikini, nagsuot lang ako ng short at see through hanging blouse para maging cover up.

"Talagang sinabayan mo pa eh." Naiiling kong sinabi. Nang makapagbihis siya ay ngumisi siya sa akin kaya nagtaas ako ng kilay sa kaniya.

"Ikaw? Anong ginawa niyo ni Perfi sa shore?" Nanunuya niyang tanong. Umirap ako at bahagyang nahiya. Damn it! Wag pahalata Einalem.

"W-Wala! Nag usap lang kami!" Sabi ko.

"Sus! Wag ka ng mahiya! Ano? Nahalikan ka ulit? Kayo na?" Malisyosa niyang tanong. Ako naman ay halos mapairap na sa kaniya. Bwisit talaga itong babaeng ito! Masyadong chismosa!

"Manahimik ka!" Sabi ko sabay irap.

"Wag ka ng magkaila! Malandi ka!" She said with her hysterical laughs.

Napailing na lang ako. Maya maya lang ay lumabas na si Leley at ganun din ang tanong niya kaya naman inasar ko rin siya kaya ayun hindi na nakapalag.

Nang matapos silang dalawa ay lumabas na kami ng kwarto. Tiningnan ko ang text ni Perfi habang papasok kami ng elevator.

Perfi:
We're in the restaurant. Come here when you're done.

Nang bumukas ang elevator ay agad kaming dumiretso sa restaurant at doon nakita namin ang magpipinsan na kumakain ng breakfast. Mukha silang mga lutang pa habang si Perfi naman ay nakatingin na sa akin at itinuturo ang katabi niyang upuan.

"Good morning.." he greeted at me when I sat down beside him.

"Morning.." i greeted back. Nilagyan niya ng mga pagkain ang pinggan ko habang ako naman ay kumuha ng toasted bread. Napasulyap ako kina Roma at nakita kong nakangisi na sila sa akin. Alam kong nanunuya na sila sa kanilang mga isip.

Nang magsimula na akong kumain ay nagsimula na ring magdaldalan ang magpipinsan at lalong umingay ng makisali si Perfi.

"Liquor is the best buddy huh?" Nanunuyang sinabi ni Perfi sa kanila sabay wagayway ng cellphone niya. Kumunot naman ang noo ng mga pinsan niya.

"What's with your cellphone?" Isacar asked. Aba't! Umii-english pala ang mga ito kapag may hang over?

"What do you think?" Perfi teased. Lalong kumunot ang mga noo ng mga pinsan niya.

Since that Day (SUAREZ SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon