Author's Note

1.8K 16 12
                                    

Lahat ng mababasa mo dito ay tunay na nangyayari sa PANAGINIP ko.  

Hindi ko alam kong bakit kadalasan ay napakasama ng panaginip ko. Yung tipong madugo talaga.

Sabi nila: marahil raw hindi ako nagdarasal bago matulog.

Aaminin kong hindi sa lahat ng gabi ay nagdarasal ako bago matulog, kayo ba siguradong bago matulog nagdarasal kayo? Pero magdasal man o hindi ako bago matulog nananaginip talaga ako ng hindi maganda.

Sabi nila: marahil daw ng dahil sa mahilig ako sa mga horror movie's kaya nanaginip ako ng kung ano-anong hindi maganda.

Oo isa sa paborito kong panoorin ay mga horror movie's o di kaya yung madugong mga patayan. Pero since bata pa ako nananaginip na ako ng hindi maganda, at sa panahong yun di ako masyadong nakapanood ng TV kasi dati sa probinsya namin wala pa kaming TV :D :D oo seryoso.

At kung ano-ano pag sinasabi nila tuwing nagtatanong ako kung bakit kadalasan ng panaginip ko ay hindi maganda. At minsan ng binangongot ako.

kailan lang nag-usap kami ni pinsan:

Ako: Alam mo hindi ako nag-uunan pag natulog

Oo totoo, hindi ako nag-uunan matulog lately lang din, dahil ewan parang masakit na leeg ko tapos parang hindi ako makahinga kaya, niyayakap ko nalang unan ko

Pinsan: Talaga? oh ngayon hindi ka na ba nananaginip ng masama?

Tsaka ko lang napansin lately hindi na ako nananaginip ng masama, parang di ko na maalala mga panaginip ko. Nakatulong kaya yun? sana.

BANGUNGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon