Let Me Out (Supernatural and tragedy)

61 1 0
                                    

Ako si Marc, bata pa lamang ako namatay agad si mama, si papa naman ay isang Journalist, kaya wala kaming permanenteng tahanan.

Sa isang araw na paglipat namin, napadpad kami sa isang kakaibang lugar, tahimik kahit punong puno ng tao, at parang may kakaiba dito sa lugar na ito sa pagdating na pagdating namin. ilang buwan lang naman kami dito at agad agad na lilipat na naman. Napalipat naman ako sa isang maliit na eskuwelahan, unang araw pa lamang, marami agad akong napansin. Isa na dun ang kakulangan ng tao, kahit napakarami ng upuan. ulit, ang katahimikan ng mga tao, hindi ko na sila pinansin o wala na rin pumasin sa akin. paglipas ng ilang araw, may napansin na naman akong kakaiba na nangyayari dito sa eskuwelahan: sa bawat araw na lumilipas, paiba-iba at paunti ng paunti ang mga tao. Hindi ko iyon pinansin hanggang sa isang araw, walang tao na pumasok bukod sa akin, pati ang mga guro ay wala. Hindi ko iyon pinansin dahil siguro may nangyari na hindi ko nalaman, hanggang maya-maya may pumasok na batang lalaki, hindi ako pamilyar sa kanya parang bagong lipat na bata. Hindi ko siya pinansin hanggang sa may kumatok sa pinto at kusang bumukas. Hindi ko makita ang mukha nila dahil sa sobrang liwanag. Isang mag-asawa ang nakatayo sa labas, sabay sabing "Marc, tara na", na parang kaboses ni papa. sabi naman ng babae "Marc...ano pa ang hinintay mo? mama mo ito". napatayo ako ng wala sa oras at dahan dahan lumapit sa kanila sabay sabi " mama...papa....kayo po ba yan?". hindi nila ako sinagot , balak ko na sanang tumakbo kung hindi lang ako hinatak ng batang lalaki at sinabing "wag.....wag mong subukan lumapit kung hindi TULUYAN ka nang mamamatay". Nagulat ako sa sinabi ng bata, na parang pinipigilan niya ako sa kaligayahan ko, pero ako ay nagulat sa sinabi niya "anong tuluyan ng mamamatay?...Hindi kita maintindihan." tanong ko. "hindi mo talaga alam ang kalagayan mo?...ang buhay mo ay nasa 50/50....kung pupunta ka sa kanila tuluyan ka nang mamatay....sila kasi ang tinatawag na "tagasundo"....kaya kung TULUYAN kang sasama sa kanila...TULUYAN ka na ring mamatay..." sabi ng bata. "Anong tuluyan?...buhay pa ako!" sabi ko sa bata. " Talagang wala kang alam? sa mga nangyayari sa buhay mo?... Alam mo ba kung bakit wala ngayon ang mga kaklase mo dito?" tanong ng bata. "Hindi....Bakit nga ba?" tanong ko. "dahil ililibing na ang tatay mo" sabat ng bata." Anong ililibing?, buhay pa tatay ko, nagtratrabaho nga siya ehh!" sinabi ko. "alam mo ba kung anong lugar ito? kung bakit kayo nandito? at kung paano kayo namatay ng tatay mo?", tanong ng bata na hindi ako sinagot. "hindi!....naku! tigil tigilan mo ako sa pagbibiro mo!" sinabi ko ng galit na galit. "Hindi ako nagbibiro, ang lahat ng sinasabi ko ay puwang na katotohanan...Ang lugar na ito ay ang lugar kung saan isinilang at lumaki ang tatay mo...at kaya kayo nandito dahil umalis na siya kanyang trabaho bilang journalist at balak na namirahan na ulit dito para maranasan mo kung paano maging TUNAY na bata. pero habang papunta kayo dito, nasagasaan ang sinasakyan niyong bus na nagdulot ng kamatayan sa inyong dalawa at sa labingisa pang pasahero kasama na ang driver at ang kunduktor. Ang tatay mo ay TULUYAN ng namatay. Ikaw naman ay maswerteng buhay ngunit nasa 50/50 kalagayan. Ang tanging paraan para mabuhay ka ay ang MAGISING KA sa katotohanan, Marc" paliwanag ng bata na unting unti na naglalaho."Teka! marami pa akong hindi nalalaman: sino ka? paano ako magigising? KAILANGAN KO NG TULONG!" desperado kong sinabi habang umiiyak. "ako ay ang nakakabata mong kapatid, at parati kitang sinusubaybayan sa bawat gawain mo, pero lumaki ka ng iba sa inaakala namin ng inay...at kung bakit wala kang alam ay dahil sa pagwawalang sambahala mo sa mga nangyayari sa paligid mo. Hayaan mo, kahit ganyan ka...tutulungan kita pero kulang na ako sa oras, meron na akong hinandang TULONG para lang sayo,ngunit sobrang mapanganib ang mga madadaanan mo, isa na itong regalo sa iyo, KUYA. Kung gusto mo pa akong makilala...sa bawat panalo mo sa bawat pagsubok na madadaan mo, merong premyong "alaala" na matatanggap mo, tungkol sa ating dalawa iyan, KUYA!. galingan mo para sa ating buong pamilya." sinabi nung bata iyon at tuluyan ng lumaho sa hangin.

Sa pagaakalang mabubuhay ako kapag ginawa ko ang pagsubok na tinutukoy ng batang iyon, sibukan ko. Tama nga ang bata na sa bawat panalo ko ay may maalala ako sa aming dalawa. ang sabi "May malubhang sakit si mama, kaya napilitang bumalik si papa sa kanyang trabaho bilang journalist, ako naman walang kamalay malay na buntis si mama. Paglipas ng ilang buwan, nanganak siya sa isang batang lalaki nagngangalang Mark Justin, MJ ang palayaw niya. Lumaki siya katabi ang may sakit na nanay namin, himalang umabot pa siya ng anim na taon na buhay pa si mama, pero sa saktong araw ng kaarawan niya, namatay si mama. Pinuntahan namin si mama, pero hindi namin naabutan ang kapatid ko, dahil sa isang sulat ng ina "barangay 27,Tondo,Manila"ang lugar kung saan lumaki si papa. Sinubukan niya iyong puntahan sa pagaakalang nandoon kami ni papa, pero dahil na rin sa sobrang gutom, uhaw at pagod, Himala mang nakarating siya sa lugar na iyon, ay tuluyan ng namatay sa pagod at gutom. Huli na ng matuklasan ni papa ang sulat. Alam niyang kaya wala duon si MJ ay dahil sinubukan niyang puntahan ang lugar na iyon. Kaya umalis siya sa trabaho niya para sundan siya, ngangambang buhay pa siya, pero sa kamalas-malasan ng buhay, nasagasaan kami. Si papa ay namatay at ako naman ay nasa 50/50 na kalagayan. Sa pagwawalang sambahala ko, sinubukan akong gisingin ng kapatid ko para masira na ang sunod sunod na pagkamatay na ito, at sinabi niya ang mga nangyari sa pagkarating namin dito at ang rason kung bakit nasa kalagayan na 50/50 ay dahil tinulungan ako ng mga kaibigan ni papa dito". Sa huling pagsubok, haharapin ko ang sarili ko kung sino ba talaga ako. Sa mabuting palad, nalagpasan ko ang pagsubok. Pero wala na akong natanggap na alaala. kundi nagising na ako. Sa pag gising ko, iba ang inaakala kong mangyayari. May kaguluhan sa labas, may gerang nangyayari sa labas at unting unti nang nilalamon ng apoy ang ospital. Sinubukan kong lumabas para mailigtas ko ang sarili ko. Pero paglabas ko, ang rami ng nagmatay, halos lahat na ng tao namatay. Sa sobrang takot, hindi na ako nakahakbang pa. Ako ay napaluhod at napaumiyak. "Ano pang silbi ng muli kong pagkabuhay, kung ganito rin naman ang nangyari sa paggising ko...sana hindi na ako nagising" ang sabi ko sa sarili at tuluyan na akong nilamon ng apoy at namatay.

Mini StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon