Chapter 14: Dante & Elena

211 81 190
                                    

Dante

"Pwede ba kitang makausap, Constantinople?" saad ng kaibigan ni Elena, si Melai habang nakahalukipkip. 

Napatigil ako sa pag-inom sa aking water bottle at napatingala sa kanya. Bago ako tumayo, dumungaw ako sa aking paligid atsaka nakita ang mga kasamahan ko na papunta sa kanilang sariling mga locker.  Kakatapos lang ng praktis namin, kung kaya't balak ko na rin naman na dumertso patungo sa library kung saan naghihintay sa akin si Elena. 

Tumayo ako sa aking kinauupuan at sumagot, "Bakit?" Napakunot ako ng aking noo sa pagtataka ng kanyang biglang paglitaw. 

"Saglit lang naman. Gusto kita makausap tungkol kay Elena," patuloy niya.

Tumango ako sa kanya. "Sige. Tungkol ba saan?" 

Umupo siya malapit sa akin. Napaupo din ako sa kanyang ginawa. Hinintay ko siyang magsalita at magsimula. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya ako kausapin tungkol kay Elena at kung ano ang kanyang pakay, ngunit napagtanto ko sa kanyang mga hitsura na mukhang mahalaga ito. 

Nilinis niya ang kanyang lalamuna at nagsimulang magsalita. "Matalik ko na kaibigan si Elena, simula noong mga bata pa kami. I know a lot of things about her, and also as well as she's with mine..."

Napakunot ako muli ng aking noo. "Okkayy," I said without sounding offensive. 

Pinagpatuloy niya ang pagsasalita, "She's caring and sensitive and she got a lot of burden from the past that still holds her back..." Napatigil siya at napahawak sa kanyang mga daliri.

I understand what she is saying. However, I don't quite get what point she is trying to make. I knew about Elena's parents and how despondent and devastated she is about their early death. I knew how tough it is losing your parents at such a young age.

"All I wanted to say lang naman--tatapatin na kita ah, but don't break my best friends heart. She's very important to me, parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Kaya please lang Constantinople, wag mong saktan ang best friend ko or else ikaw ang patay sa akin," babala niya.  I was shook by her warning. I have not or will I have ever the intention to hurt her. 

"Promise?" Tinaas niya ang kanyang kilay at ibinigay ang kamay sa akin. 

Kinuha ko ito ng may pag-aalinlangan. "Pramis," I replied. "but you also have to know, Melai. We are just friends," pinaalala ko sa kanya.

Ngumisi siya sa akin, "Friend nga lang ba?" Humalukipkip siya na parang may kahulugan. Alam ba niya ang tungkol sa nangyari noong araw na iyon? Nakwento ba ni Elena? Napaisip ako. 

Napalunok ako ng malalim. "Yup," I replied as clear as the day. From that day, I made promise to not let my feelings hinder our friendship with each other. I like her and I'm fine with just that, staying as it is, if that will make her happy. 

Tinaas niya ulit ang kanyang kilay. She pursed her lips and smirked. "Sabi mo eh." Tumayo siya sa kanyang inuupuan at pinagpatuloy ang kanyang pagsasalita. "Sige yun lang naman. Una na ako. Salamat sa time na nilaan mo, alam ko na meron pa kayong tutoring ni Elena." Lumakad siya pababa ng hagdan habang nasa bulsa  ng kanyang PE uniform ang kanyang kamay.

"Sure anytime," I told her as I stood from my seat, while holding my bottled water. 

"Puta! Dante, nandiyan ka pa ba? Pahinging sabon at shampoo!" Napalingon ako nang marinig ko ang tawag ni Rafael sa akin habang hawak ang kanyang tuwalya.

Sincerely, ElenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon