Chapter 17: Elena

197 64 184
                                    

I dedicated this chapter to watashiwarei . Thank you so much for adding my story to your reading list. I hope you like it.

************************

Nasa library ako ngayon kasama si Dante habang nag-aaral kami sa nalalapit na monthly exams. Parang kailan lang noong huling nag-review kami noong periodicals at heto nanaman kami ngayon naghahanda para sa susunod na exams. Nakaupo kami malapit sa bintana kung saan malamig ang agos nang simoy ng hangin. Mainit sa library at walang aircon, tanging ang mga electric fan lang ang nagpapalamig ng kapaligiran kung kaya't minabuti namin na rito kami umupo sa tabi nang bintana. Maganda na rin naman dito para makapagpokus kami nang pag-aaral lalo't na naghahabol si Dante ngayon nang kanyang mga lessons.

"Naintindihan mo ba?" mariin kong tanong sa kanya. 

Napamasid siya sa akin at tumango. "Oo, medyo naiintindihan ko na," ukol nito habang pabalik-balik ang tingin niya sa equation na inihalimbawa ko sa kanya. Geometry ang inuturo ko sa kanya ngayon dahil ako ko na rito siya medyo nahihirapan at naguguluhan.

Napakagat ako sa aking pang-ilalim na labi. "Hmm sige, isang example ko pa ha..."sagot ko sa kanya. Kinuha ko ang papel sa kanya at nagsulat muli nang bagong equation. Kung tutuusin madali lang naman ang part na ito at hindi naman mahirap lalo't na kung iintindihin mo lang ito nang maigi.

Inabot kami nang ilang minuto sa pag-aaral ng Geometry. Natapos na rin kami nang mga bandang alas singko nang hapon. Buti na lamang at madali itong naintindihan ni Dante na hindi na ako nahirapan pang ituro ito sa kanya. Iniligpit na namin ang aming mga gamit nang makita namin ang simula nang paglubog nang araw. Napagpasyahan ko na tapusin ito nang maaga lalo't na naging madalas ang pag-uwi ko ngayon nang gabi. Ayoko naman mag-alala sa akin pa lalo si Nanay Aning.

Bago ko sinukbit ang aking bag, binuksan ko muna ito at kinuha ang bagong reviewer na ginawa ko para kay Dante nang sa gayon mas madali ang pag-aral niya. "Eto o Dante mga bagong reviewer para sa exam. Kumpleto na iyan at may mga side notes na akong nilagay," paliwanag ko sa kanya.

"Salamat. Pero diba sabi ko naman sa iyo Elena hindi mo naman ito kailangan gawin pa. Okay na tinuturuan mo ako tuwing hapon pagkatapos ng klase," giit niya sa akin. Kinuha niya ang mga ilang libro na hawak ko at kinalong sa kanyang mga braso.

Simula nang maging kami, mas naging madalas ang paghahatid at pagsusundo sa akin ni Dante. Nagulat na lang ako nang isang araw nakita ko siyang naghihintay sa labas ng aming bahay habang nakatukod malapit sa aming gate. Napangiti ako nang maalala ko ang pangyayaring iyon.

"Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba naghihintay?" ukol ko na gulat na gulat sa aking nakita.

Umiling-iling siya. "Hindi. Kakarating ko lang. Tara sabay na tayo pumasok," sabi nito sabay kuha sa mga librong hawak ko sa aking mga kamay. Hinayaan ko siyang kunin ito sa akin, habang naglalakad kami sa daanan nang aming kalye.

"Hindi mo naman akong kailangan sunduin. Kaya ko naman." Hindi ko napigilan ngumiti kung kaya't napakagat ako sa aking labi.

"Ano ka ba Elena, mabuti na rin yun para mas safe atsaka ayaw mo bang ako ang nakikita mo kagad pagbungad nang araw mo?" pilyo niyang sagot.

Natawa lang ako sa kanyang sinabi, "Ayoko at ang ang corny mo."

Napahinto ako bigla nang biglang humarap siya sa akin at humilig nang kaonti. "Namiss kita nang nakaraang dalawang araw na hindi kita nakita," aniya sabay pisil ng marahan sa akin mga pisngi.

Sincerely, ElenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon