Kasalukuyan, kasama ko ang aking mga ka-groupmates upang ipraktis ang nalalapit namin na presentation sa makalawang araw para sa nalalapit na St Augustine Celebration. Ginamit na namin ang time ng lunch, sa kadahilanan na rin na mahaba ang nakalaan na oras dito para maplansa namin ng maayos ang mga steps.
Nakaupo ako sa may damuhan, habang pinagmamasadan si Karen na isayaw ang steps na ginawa namin. Rnb atsaka hiphop mix ang sayaw, mabilis ang tutog at dapat alerto ang pag-indak, kung kaya't kailangan namin maipasada ang routine na to ng maayos at malinis.
"Teka, sigurado ba tong gagawin nating step na ito for the presentation?" ika ni Karen sabay naupo sa damuhan. Tumayo ako sa aking upuan at hinila siya pataas.
I pursed my lips, thinking of what to comment. "Hmm, okay naman eh. Maganda naman ang panimula natin siguro kailangan lang nag konting galaw," mungkahi ko. Iprinaktis ko ang step ng sayaw at ipinakita sa kanila kung paano.
Napatungo si Karen, Emma, Wella at si Sarah. Tumayo sila sa kanilang inuupuan at pumunta sa kanilang mga pwesto. Pinindot ko ang aking cellphone at nagsimula tumugtog ang musika. "Okay, one, two, three." Giniling ko ang aking katawan at sinayaw ang steps na pinagplanuhan namin.
Nasakalagitnaan na kami ng aming sayaw nang bigla akong may narinig na kaguluhan galing sa aking kaklase. Papunta siya sa amin habang hingal na hingal na tumatakbo. Napatigil kami sa pagprapraktis habang patuloy na nakaandar ng musika sa aking cellphone.
Napakunot ako ng aking noo. "Anung meron?" tanong ko kay Coleen na tila'y hinga na hingal na.
"May away sa cafeteria! Nagsusuntukan ang 4th year at 3rd year student," napasigaw niyang saad.
"Ano?! Sino?" sambit naman ni Wella habang napamewang sa kanyang baywang.
"OMG..." Nanlaki naman ang mata ni Sarah. "Bakit daw nag-aaway?" dagdag nito.
Napakibit-balikat si Coleen. "Hindi din namin alam bigla na lang Sinunggaban at sinuntok ni Constantinople si Romer. Tapos ayun nagsimula na silang magsuntukan. Pero sa aking pagkakarinig, nagalit daw si Kuya Dante sa picture na kumakalat sa cellphone...." Naputol ang kanyang pagkwekwento. Kinuha niya ang kanyang phone sa kanyang bulsa at ipinakita sa akin ang nasasabing photo na kumakalat. "Eto oh, gulat na gulat nga ako, si Romer at isang babae na third year year daw nakuhanan ng litrato sa locker room na nag-aano..." Napalunok siya sa kanyang sinabi. Binalik niya ang kanyang phone sa bulsa at napatingin sa amin.
Nanlamig ang aking buong katawan ng makita ko ang litrato ni Romer na nakapantong kay Ate Elena. Tila'y bumalik sa akin ang mga alaalang sinubukan ko nng kalimutan. Bakit? Paano nila ito nakuha at sino ang kumuha nito. Ito ang mga tanong sa aking palaisipan na wari'y hindi ko masagot.
'Omg, ayan ba si Elena Payton yung third year na suplada?" Gulat na gulat na saad ni Sarah.
"Oo nga noh! Shocks, hindi ko alam na sila pala ni Romer!" sambit naman ni Wella.
Dagdag naman ni Coleen, "Ako nga rin nga eh, gulat na gulat nung makita ko yan. Hindi ako makapaniwala na may boyfriend siya. Eh diba kilala siya na mailap sa tao?"
"Yeah, I know right." Napailing si Sarah at napahalukipkip.
Napatingin sa akin si Karen at nagtanong, "Diba nakakasama mo sila Ate Elena?"
Hindi ako nakasagot. Tila'y biglang nawala sila sa aking isipan at tanging nakikita ko laman ay ang laman ng litrato na aking nakita.
Naisip ko silang dalawa.
Si Ate Elena at Kuya Dante.
Hindi sila mapapahamak kung hindi dahil sa katangahan ko. Hindi sana ito magyayari kung hindi ako nakipagkita kay Romer noong araw na iyon. Hindi sana...
BINABASA MO ANG
Sincerely, Elena
RomanceKung ang mga tinta sa sulat mo ang tanging magpapaalala sa akin sa 'yo, hindi na ako mag-aalanganing balik-balikan muli ito. Tulad ng itim na tinta sa pluma, hindi maglalaho ang kung ano man ang mayroon tayo. Bagama't nasa magkabilang mundo tayo...