Chapter Five

2 1 0
                                    

Concerned|Planned 💙

Second  day ng pasukan.

Maaga akong nakarating sa school kaya nakatunganga lang ako habang hinihinatay ang iba pa. 6.30 pa kasi kaya wala pa masyadong tao, to think na 7.30 pa magsisimula ang klase namin.

Kasalan to ng mokong na yun ee. Parang na excite ako na makita sya--- okey, don't get me wrong excited ako ina-sense na maibigay ko tong salonpas sa kanya tulong kaibigan ba.(ako na feeling close.)
Siguro naman hindi masama maging ganoon ka concern di ba?

Pero naisip ko rin na baka hindi sya pumasok ngayon dahil narin sa tinamo nyang mga pasa buhat sa pagkabugbug sa kanya.

Hay ewan ko!

Napanglumbaba na lang ako habang nakatingin sa kawalan ng bigla na lang akong tinabihan ni Celyn.

Pst. Na trap pala ako sa tsismosang kong best friend dito mag isa sa classroom at ang pinagtataka ko lang kung bakit ang aga nya ngayon i may ugali tong lagi nag bubuzzer beater.

Papasok na sa classroom pag nag ring na  according to her pag nag bell na and nasa classroom na sya di pa daw sya late.

Kagagahan nito.

"Uyy, may tsismis ako."sabi ni Celyn.

Agad akong lumingon sa kanya na naka palumbaba parin. Bored ko lang syang tinitigan.

"'To naman masking magpanggap ka nalang na excited ka na kausap ako di pa magawa."lintaya nya.

Ngumiti naman ako ng pilit."And second thought wag nalang pala,"saad nya habang abala rin sya sa pagkiskis ng nail pile sa kuko nya.

"Ito nga may nakakita daw sayo."sabi nya.

"Natural buhay ako at may mga mata sila. Talagang makikita nila ako."i said dryly.

"Pilosopa, ang ibig kong sabihin may nakakita sayo na nililigtas si Cute trasnferee guy sa labas ng village nyo. My ghad Vet! Sana ako nalang ang nag save sa kanya para you know to know him more." Sabi nya na parang kinikilig na ewan.

Pero teka did she just said na may nakakita sa akin habang nililigtas ko si seatmate.

Nanigas tuloy ako ng ma- realize ang sinabi ni Celyn sa akin. I even felt my cheeks heathen  up.

"Oh, nag violet ka dyan? Gulat ka no alam ko."pagmamalaki nya pa.

"At san mo naman na hagilap yan aber? "I ask naturally.

"You know I have lots of source roaming around."

Huh. What did I expect to her sa lakas ng connection nito makasagap ng mga tsismis na lapas hanggang mars. Gulat paba me?

"Alam mo why not gawin mo yang negosyo para magkapera ka. Talo mo si Boy Abunda makasagap ng mga tsismi best."

"You know what tama ka. I'm just planning na kaya to make a club dito about sa mga fresh chismak dito sa school at I will name it. Celyn the buzz queen. Diba taray lang!"

Napa-face palm nalang ako isa patong may sayad ee.

"Kay aga-aga tinotopak kana agad best. Malala ka na."

True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon