Chapter Seven

13 0 0
                                    

Clubs|Officially 💙

Lunes ngayon sa NIVA, kakaiba ang araw ngayon dahil busy lahat kaming mga estudyante. Clubs day kasi, meaning kailangan mag sign up ulit sa mga clubs and different organization. Tatlo ang sinalihan ko simula grade seven. Journalism, SSG and Sport club—Jujitsu.

"Nakapag sign up na ba kayo?"tanong ni Celyn sa amin.

Nasa lobby kami ng school dahil doon dinaus ang clubs day. Kasama ko rin ang iba ko pang mga kaibigan na kapwa ko ay busy din sa kanya-kanyang club.

"Tapos na ako,"sagot ko.Pati sila Yuri, Marg, Kate and Trish ganoon din ang isinagot sa kanya.

Iba-iba ang mga clubs na sinalihan namin. Si Marg lang ang may kapareho ako, isa kasi  sya sa mga editor ng news paper namin sa English news paper, ako naman ay feature writer lang both English and Filipino.

"Sya nga pala sabi ni Justen punta daw tayo sa covered area,"anunsyo ni Celyn.

"Why? Ano naman ang gagawin natin doon?"tanong ni Marg.

"Sabi nya kasi kasali sa mag t-try-out si Gondien. Gusto ng mga lalaki na supurtahan natin sya. Di ba nga we considered him as our new friend. I guess hindi naman masama na supurtahan natin sya, right?"mahabang paliwanag nito sa amin.

Oo, simula yata nung tinulungan nila ako na iresolba ang mga nangyari sa akin at kay Gon naging malapit sya sa aking mga kaibigan. Madali lang nila itong nakapalagayan ng loob kagaya ko. Mabait sya lalo na sa mga kaibigang kong babae. Gustong-gusto rin sya ng mga kaibigan kong mga lalaki dahil wala itong kahit na anong yabang sa katawan.

Nakita ko naman ang positibong reaction ng mga kaibigan ko sa narinig na paliwanag ni Celyn sa amin.

"Naku! Mukhang madagdagan ng gwapings ang Orange Foxes huh."si Trish. Sumang-ayon silang lahat sa sinabi nito.

Mabilis namin tinahak papuntang gym nasa labas palang kami ay rinig na rinig namin ang mga tilian at hagikhikan ng mga tao sa loob. Maraming tao, Ayan ang unan kong napansin. Puro mga babae at binabae ang nakikita ko na busy sa kaka-cheer sa mga lalaki na nag t-try-out. Kunti lang ang mga lalaki na nasa loob puro mga kaibigan lang na gusto sumuporta.

"Huy! Mga panget,"tawag pansin ni Yuri sa mga kaibigan na ming mga lalaki, kami ang lumapit sa kanilang gawi dahil busy ang mga ito.

"Mabuti naman at nakarating kayo,"si Justen.

Silang tatlo ay kapwa naka jersey uniform. Wala si Derek dahil iba ang club nito to think sya pa ang Vice President.

"Oo naman no, Gondien will be part on your team so kailangan ng moral support."si Celyn.

"Tapos na ba kayo sa mga clubs nyo?"tanong ni Leo.

Pinisadahan nya ako ng tingin bago ibaling ang tingin sa iba pa naming mga kaibigan.

"Oo, kayo tapos narin ba or busy na kayo dito?"si Trish sa kanila.

"Oo, nagmadali nga kami sa pag asikaso kasi marami ang gustong mag try out ngayon,"si Ed.

Napadako ako sa mga kalalakihan na busy sa pag s-shoot pawang lahat at nag papakitang gilas dahil narin siguro nandito ang Captain ball nito si kuya Pit, ka klase ito ni kuya Viz.

"Pansin ko nga,"na isatinig ko.

"Wew, bakit nandito tong SSG natin na friend? Di ka ba busy or gusto mo rin sopurtahan yung seat mate mo,"makahulugang saad ni Ed sa akin.

Pabiro ko syang sinapak sa ulo naikinatawa nya lang.

"Siraulo."sagot ko sa kanya. Ako na naman ang nakita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon