ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 𝕥𝕙𝕣𝕖𝕖

21 4 13
                                    

'Ano kayang kinain nun? Hayop sa kabaliwan eh.'

'Napapaisip ako kung trip niya ba'ko o ginagago lang ako.'

Malamig ang hangin at masarap sa pakiramdam pero hindi ko ata ma enjoy dahil sa mga pinagsasabi nung Chimon na yun.

'Andami ko na ngang problema dumagdag pa siya!'

Tss, bakit ko nga ba siya iniisip? Wala namang kwenta kung pagtuunan ko siya ng pansin.

'Sayang pa sa oras ko.'

Mabilis akong nakarating sa bahay at dumiretso sa kwarto ko para makaligo dahil feeling ko sobrang dumi ko.

Nagpupunas ako ng basa kong buhok ng marinig ko ang boses nila Klare sa baba.

'Tss isa pa tong si Serrell ano kayang problema nun?'

Bumaba nako ng hagdan at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig...

"Ricci" nilingon ko naman si Klare at napansin kong may gusto siyang sabihin.

Parang nangungusap ang mga mata niya at hindi ko kayang tanggihan.

"Tara dun tayo sa garden" imbis na kumuha ako ng tubig ay dumiretso kame sa garden at pinaupo siya sa swing.

'Ang peaceful dito sa garden at malamig ang simoy ng hangin kaya lagi akong pumupunta dito t'wing gusto kong magrelax at magmuni muni.'

"Tumawag sakin si ate Kate"seryoso niyang pagamin at nakatingin sa malayo.

Nanatili akong nakatitig sa kanya at inaantay ang iba pa niyang sasabihin.

'Akala ko tungkol Kay Serrell. Tss.. tsaka bakit pa siya tumawag kay Klare.'

"Pinapabalik kana niya"

Natigilan ako sa sinabi ni Klare at biglang nakaramdam ng galit. Galit na kinalimutan ko na at pilit paring kinakalimutan hanggang ngayon.

"Pinapabalik ka na ni ate Kate, ate Kate mo"

'Para akong nabingi dahil sa sinabi niya.'

'Anong drama na naman kaya ang trip mo Kate?'

'Bakit kailangan mo pang magparamdam? Akala ko ba matapos kong ibigay ang regalong gusto mo nung kaarawan mo ay kakalimutan mo na ako? Walang katumbas ang sakit na ipinaramdam mo sa'kin kaya bakit kailangan mokong bumalik? Para saan?! Para ba iparamdam saken ulit na mas deserving kang sumaya?!'

"Wala na akong babalikan doon Klare." Pagdidiin ko.

Nakaramdam ako ng sobrang awa para sa sarili ko. 'Sana yung sakit na dinulot niya saken kayang malimutan kaso hindi eh... sana sinaktan niya lang ako ng pisikal para kahit papaano gumaling kahit may matira mang peklat. Walang kapatawaran yung ginawa niya eh!'

UNTIL I MAKE YOU MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon