"Ahhhh!!! Salamat at Saturday na!!!"
At naghikab hikab pa at dumiretso na sa cr para maligo.Habang nagpapatuyo ako ng buhok ay hindi parin mawala sa isip ko yung pagbigay ng handkerchief sa'kin ni Arthit!!!
'Mmm ang ganda ng tulog ko kagabi dahil sa kanya!'
'Siguro naman pwede akong makaramdam ng kilig at saya ngayon MWEHEHE, sana walang sagabal ngayong pahinga ko!'
'Pero sana yung nararamdaman ko ay hanggang duon nalang kase baka masaktan na naman ako, ayoko na non!'
'tss.. edi huwag mong isipin!'
'Oo nga no! Tss.. minsan pala ay nakakatulong ang biglaang mga nagsasalita sa isip mo HAHAHAH'
Nang matapos akong magpatuyo ng buhok ay dali dali na'kong nagbihis ng loose shirt na color yellow at denim short, at nag spray ng kaunti sa leeg ko ng Encanto.
'Mmm.. gusto ko talaga ang scent ng Encanto!'
Agad agad naman akong bumaba sa hagdan at naaninag ko sina Klare, Eudora at Serrell na kumakain ng Bacon at sunny side up egg.
"Hoy! Kain na tagal mo namang gusmising naunahan ka ng magkapatid! HAHAHAH"
"Hoy hindi ako matakaw!"
"Luh? Andami pa niyan oh!"
"Tch!" Singhal ko dahil sa ingay nila at talagang nagsisigawan pa eh magkakaharap lang naman silang tatlo.
'Panira ng araw talaga sila!'
Nagsitahimikan naman sila at pinagpatuloy ang pagkain. Umupo naman ako sa harap nila at kumuha ng sunny side up egg. 'Ngumunguya ako ng matiwasay ng biglang may gagong tumawag sa kalagitnaan ng pagkain ko.'
"Tangina kumakain naman eh" inis na bulong ko.
Nagpaalam muna ako na sasagutin yung tawag at lumabas muna. Tinignan ko muna ang name nung caller at halos batuhin ko yung phone ko dahil itong pa mysterious effect na namang nagtetext sa'kin! Simula nung nagsimula siyang magtext sa'kin ay binlock ko na ang phone number niya ng paulit ulit pero marami siyang pera para bumili ng bagong sim card.
'Sa isang araw nagtetext siya sa'kin ng mga benteng lsm message, at limang beses tumawag kada araw, at lahat ng texts niya at tawag niya ay hindi ko pinansin.'
'Tanginang malaman ko lang kung sino ka yare ka sa'kin!'
But this time sinagot ko na ang tawag niya.
"Ow! Tangina mo sinagot ko na yung tawag mo baka pwedeng malaman ko kung sino ka!"deretsong tanong ko.
Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya at para akong naestatwa sa kinatatayuan ko dahil familiar ang boses niya!
'Shia !!! Kaboses niya si Arthit!'
"Stop cursing Ricci hindi bagay sa'yo"seryoso niyang saad.
'Patayin niyo ko now na!, Gosh Arthit! Bakit ang gwapo pa rin ng boses mo sa phone! Shiaaaaa!!! Tangina siya pala yung nagtetext sa'kin at tumatawag! Hayp!!!'
![](https://img.wattpad.com/cover/231929631-288-k930918.jpg)