"Oh bat naka busangot ka?"
"Eh pake mo ba?!"
"Aba ang lupet mo naman talaga Ricci ano! Ikaw na nga tong nang iwan samin sa mall ikaw pa may ganang magalit! Kakaiba ka talaga!"halatang pikon niyang sigaw.
'Kararating lang nagbubunganga na agad.'
"Nag text ako hindi ba?"malumanay ko ng tanong.
Napabuntong hininga naman siya at sinambunutan ang buhok niya.
"Nako bahala ka nga dyan sa buhay mo! Tinanong lang kung bat ka naka busangot sinigawan mo na'ko!"
'Ikaw kaya ang unang sumigaw tss'
Kasabay non ay umakyat na siya sa taas at saktong bumaba naman sina Eudora at Serrell na kakaligo lang. Nagpaalam naman ako sa kanilang matutulog nako at kung gusto nilang kumain pa ay magluto nalang sila.
Alas syete na ng umaga ng magising ako sa sikat ng araw. T'wing naalala ko yung nangyari nung Saturday ay hindi ko pa rin maiwasang mabwisit. Lumipas ang linggo at ngayon ay monday badmood pa'rin ako.
'Badtrip ka Chimon!'
Nagka ayos na rin naman kami ni Klare at ako na mismo ang humingi ng tawad dahil sa inasta ko.
Biglang nag vibrate ang phone at nakita kong tumatawag sa'kin si Klyvel.
'Ke aga aga naman nitong tumawag.'
"Oh?"
"We need to talk."
"Kinakausap mo na ako ngayon Klyvel, wag kang tanga."nabwibwisit kong sagot.
Narinig ko naman ang malalim niyang buntong hininga.
"I know, but i want to talk to you personally"
"Is that so? Then let's see each other in cafeteria"
"What time?"
"It's up to you" then i hang up the call.
'Malakas ang kutob ko na tungkol to kay Kate.'
Mabilis naman akong nag asikaso at kinuha na ang susi ng kotse ko at nagpaalam sa kanilang mauuna na'ko.
Pagka dating ko sa school ay pinark ko na ang kotse ko at nagderetso sa cafeteria.
Malayo palang ay tanaw ko na si Klyvel na nakapalum-baba at malalim ang iniisip. Nilapitan ko naman agad siya at naupo katabi niya.
"It's all about Kate."
"Ha! Tss... Sabi na eh, oh bakit daw?"
"Don't act like you don't know what i mean Ricci. I'm serious."
"I'm serious too. I'm asking why she wants me back?"
Agad niya namang iniwas ang paningin niya at hinigop ang kape niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/231929631-288-k930918.jpg)