On The Hands of the Undead

70 1 1
                                    

 : Day 0 : The Plan Itslef

On the busiest street of Manila.

10:33 am

Pangatlong beses ko nang gagawin 'to.

Nakakakaba pa din. Hindi pwedeng magkamali. 

Nandoon pa din ung pressure.

Even one small mistake kasi maaring buhay na namin ang kapalit.

Kahit isang maling galaw. Maaari nang maging sanhi nang pagkawala ng hininga ko.

Hindi ko nga alam kung job nga ba ang tawag dito.

Ewan ko. Alam kong mali.

PERO KAYLANGAN.

Napakaraming tao sa labas. May kumakain sa mga restaurants.

Mga taong naglalakad. Nagtatawanan.

Normal na araw lang.

Iba iba ang istorya nila.

Ito nga siguro ang dahilan kung bakit ito tinawag na "Busiest Street in Manila."

KUYA DONG: Nagsusulat ka na naman jan bata?Pinapairal mo na naman yang kakornihan mo. Pabasa nga nyang love story mo. Hahahaha.

Lumingon sya sa akin habang nagdadrive ng L300 van. Nasa gitna ako nakaupo nuon. Sa may likod ng Driver's Seat. Pinagiigitnaan ako ni Mang Chi (May lahing intsik si Mang Chi. Medyo mataba at maputi. Halus buong pagkabinata niya ay ginugugol niya na sa panghohold up at pang iisnatch ng mga gamit sa Quaipo at kung minsan sa mga dumadayo sa  Chinatown) at ni Kuya Mel (Si Kuya Mel. Medyo mataba din. Trip na trip yata nilang kumaen ni Mang Chi kaya ganito sila kataba.) Halos hindi nga ako makapagsulat ng maayos sa kinauupuan ko.

 KUYA MEL: Hoy Dodong. Magdrive ka na lang jan. Mamaya mabangga pa tayo. (Tumingin si Kuya Mel sa akin) Wag mong pansinin yang si Dong ha bata. Kabado lang yan.

Sabay tapik niya sa balikat ko.

MANG CHI: Trip mo na naman yang bata. Kaya minsan na lang sumasama sa atin yah eh. Palagi mong inaasar.

Napangiti na lang ako.

KUYA DONG: Ikaw Jun? Ano sa palagay mo? Maayos kaya tong plano? Sa tingin mo?

(Si Kuya Dong naman ang pinaka macho sa grupo namin. Super buff. Akala mo sa Gym na tumitira. Pero kung gaano kalaki at kalakas ang katawan, kabaliktaran naman nun yung hina nang loob.)

Tahimik lang si Mang Jun (as usual) na nasa passenger seat.

Binuksan ni Kuya Dong yung radyo. Pampawala daw ng kaba. Natatandaan ko pa yung tugtog noon. Always ng Atlantic star. Nakakatuwa nga eh. Parang pupunta lang kami sa field trip. Parang isang pamilyang mag.babakasyon sa isang malayong lugar. Chillax lang. Tapos sabay sabay kakanta kapag chorus na. Habang nananatiling nakatahimik at nakatitig lang sa labas si Mang Jun.

Feeling ko tuloy gumagawa sya ng music video sa sarili niya.

Nang matapos na ang kanta. Nabalot ng katahimikan ang van. Naubos yata ang enrgy nila sa buong maliw na pagbirit. Tinanong ko si Kuya Dong.

AKO: Paano po ulet yung plano?

KUYA DONG:  Yan ang mahirap sa baguhan eh. Ahhhmm. Ganto kasi yon. Dalawang kotse. Tig lima ang laman. Yung naunang lima. Sa 2nd floor nakatoka. Tayo naman sa 1st floor. Basta wala lang kakabahan, magiging maayos ang lahat. BASTA WALANG PAPATAYIN. WALANG SASAKTAN. Pera pera lang yan bata. 

Binigyan niya ng emphasis ang dalawang huling linya. Yun lang daw ang mga dapat tandaan.

MANG CHI: basta walang dapat madamay. YUN ANG IMPORTANTE. Oh sya. Andito na tayo.

Binato sa akin ni Mang Jun ang isang itim na backpack.

KUYA DONG: Iwan mo na yang notebook mo bata.

"Hindi po pwede." Sabay yakap sa notebook habang sinusukbit sa balikat ko yung backpack.

MANG CHI: Basta hindi makakasagabal yan ha.

Naunang lumabas si Mang Chi. Huminga muna ako ng malalim at umiling. Lumabas na rin ako ng van. Damang dama ko na sinisilaw ako ng araw at ipinapadama niya ang matinding init niya sa akin.

Pagkalabas namin. Umandar na ulet yung van para humanap ng mapagpaparkingan.

Unti unti na kaming lumalapit sa pinto ng bangko.

ilang hakbang pa.

Kalma lang. Act normally.

Sinalubong kami ng  ngiti ng gwardya na nasa pintuan.

_____________________________________________________

PLEASE DONT FORGET TO LEAVE COMMENTS.

-CHLEI

On The Hands of the UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon