: Day 0 : Outside World

35 1 0
                                    

Sa kalaigtnaan ng pagtakbo namin. Lumingon ako para tignan ang digital clock. Hindi ko ito masyadong mabasa. Pero sa pagkakatingin ko. 6:38 na.

Huminto kami sa pagtakbo. Pakiramdam ko medyo maayos na ang paningin ko.

Nakita ko sila Mang Chi, yung Teller, Si Kuya Dong na nasa pinto. Medyo maayos na ang paningin ko. Nakakadilat na ako ng maayos at nakikita ko na rin sila.

Hindi pa rin ako bumitaw sa mga balikat ni Kuya Mel.

Lumingon ako at hinanap si Mang Jun. Natanaw ko sya sa limang dipa ang layo sa amin. Sya ang nagbabantay sa mga trabahador ng bangko. Tinututukan niya ito ng baril nang walang manlaban.

KUYA DONG: Anong nangyari sayo bata?

Napabaling ang tingin ko kay Kuya Dong. Nakita ko na nakatutok ang baril niya kila Mang Chi. Nasa tabi naman ni Mang Chi yung teller na nagkukunwaring kabado.

Tense na tense yung teller at halos manginig ang buong katawan sa takot habang pinipindot ang code para bumukas ang pinto.Pero parang sinasadya nya na maling code ang ilagay.

"ACCESS DENIED"

Tatlong beses nang nagkakamali yung teller sa pag iinput ng code ng biglang.

BANG!

Nagulat ako ng marinig ang isang malakas na putok ng baril.

Bumagsak yung teller sa kinatatayuan niya at humawak sa nabaril na binti.

 Sumigaw ni Kuya Mel.

KUYA MEL: Binalaan ko na kayo.  Sinabi ko nang umayos kayo. ( Tumingin sya sa Teller at tinutok ang baril sa may ulo nito) Sa susunod na magkamali ka pa. Bungo mo na ang susunod na sasabog. Hindi lang yang binti mo.

Inalalayan ni Mang Chi yung Teller para makatayo kahit papano at maabot ang pindutan.

Sa pagkakataong iyon. May nakita akong kulay green na ilaw.

"ACCESS GRANTED."

Lumabas kaming lima sa pinto. Ako ang pang huli.

Napansin namin na wala kaming nakita sa kaninang mataong lugar.

MANG CHI: Ang swerte natin. Walang makakakita sa atin.

Isa isa na kaming nagtanggal ng bonnet.

iLang sandali pa. Nakita na naming sumusunod si Mang Jun.

Tumungo na kami sa Parking Lot.

_____________________________________________________

PLEASE DONT FORGET TO LEAVE COMMENTS.

-CHLEI

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

On The Hands of the UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon