: Day 0 : The Darkness Begins

37 1 1
                                    

Inihagis ni Kuya Dong sa akin ang isang malaking bag. Habang patuloy na tinutukan ang mga hostages.

Si Mang Jun na silent type ang kasama ko. Kaya hindi na ako nag effort na makipag usap.

Dali dali na kaming tumakbo ni Mang Jun papunta sa vault. Kung saan nakatago ang mga pera ng bangko. 

Napahinto ako nang makita ko ang pinto ng vault. Napakalaki. Mas malaki pa yata ang pinto na to kesa sa kwarto ko sa bahay eh. Nanlaki din ang mga mata ko sa pagkamangha. Bagay na bagay ang ganitong pinto sa isang malaking bangko. Hindi pala. Ito talaga dapat ang pinto para sa ganito kalaking bangko.

Lumuhod si Mang Jun sa may harapan ng pinto.

Ang astig ni Mang Jun. Akala mo may powers. Sya lahat pag dating sa gawaing teknikal. At lalung-lalo na pagdating sa mga hacking ng security codes.

CLICK!

Automatic na bumukas ang pinto ng vault.

Sumenyas na sa akin si Mang Jun para pumasok. Pagkapasok ko ito ang nakita ko.

Napakaraming pera. Kahit saan ako lumingon may mga bundok bundok na mga pera. Grabe to. Mayaman na kami. Napatulala tuloy ako.

Mga ilang segundo na din ako nakatulala. Sinampal ko ang sarili ko para mawala sa mundo ng imahinasyon.

AKO: Kaylangan pa palang maging maayos lahat ng ito bago ako maging mayaman.

Inumpisahan ko na ang mabilisang paghahakot ng pera.

Sampung libo. Isandaang libo. Madaming madami na akong nailalagay. Hindi ko na mabilang.

Busy ako sa kakahakot ng bugkos bugkos na pera. Nang biglang.

BLAM!!

Biglaang sumara yung pinto ng vault. Biglang kinain ng dilim ang liwanag. Wala akong makita.

May maliit pang natirang ilaw na nanggagaling sa may ilalim ng pinto.

Nakita ko kung paano unti unting linamon ng malawak na dilim ang mumunting liwanag.

AKO: MANG JUN!!MANG JUN!! NAWALA YUNG ILAW MANG JUN!!

Sigaw ako ng sigaw habang malakas na hinahampas ang pinto.

BLACK OUT.

_____________________________________________________________________________

PLEASE DONT FORGET TO LEAVE COMMENTS.

-CHLEI

On The Hands of the UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon