Sa Piling Mo

13 3 0
                                    

Oras na naman nang pag-agaw ng dilim sa liwanag.
Andito pa rin ako, sa puso't isip koy meron na namang bumabagabag.
Darating ka pa ba? Tama ba na maghintay ako kahit malabo?
At marami pang tanong ang sa isip koy tumatakbo.

Naaalala ko pa ang sabi mo na mahal mo ko,
pero bakit isang araw tinaboy mo na lang ako?
Hawak mo ang kamay ko habang sinasabi mong ako lang,
Pero bakit sa nakikita ko ika'y nanghihinayang?
Mga pangako mong sinisimbolo nitong perlas na singsing,
tila sa puso't isip ko'y gumising.
Na kahit mahal mo ako ay natitiis mo,
Natitiis mong makita akong lumuhod, magmakaawa, at umiyak nang dahil sayo.

Hanggang ngayon tila ako'y pinapahirapan ni tadhana,
heto ka kaharap ko saksi natin ang pag-iisang dibdib ng anak ko sa anak mo sabay nang pag-ugong nang kampana.
Alam ko na kung bakit mo ako tinaboy,
mas pinili mo sya at anak niyo kahit gaano kasakit ang aking panaghoy.
Ilang taon na rin ang nagdaan pero bakit umaasa pa rin ako,
Na baka ngayon pwede na tayo?
Baka ngayon piliin mo naman ako?
Kasi kung ako lang, simula noon hanggang ngayon at sa marami pang bukas, pipiliin ko sa parin sa piling mo. 



































This piece is inspired by the story of Marem and Achilles but, since I don't know the real score between them i give a twist in the end.

HELLLO KAWAY-KAWAY SA MGA JSLs DYAAAAAN MAHAL NA MAHAL KO KAAYOOO.

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, LIKE AND FOLLOW PO.

THANK YOU AND GOD BLESS YOU <3

-yuirdinary

Random Poems and Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon