Hindi Akin

11 3 0
                                    

Ilang buwan na pala ang lumipas magmula nung nagkakilala tayong dalawa.

Sa isang bar habang nagsasayaw at umiinom dahil pareho tayong winasak ni tadhana.

Napagod kaya umupo, ika'y tumabi at binigyan ako ng baso, tinanggap ko ito kahit ang paningin ay malabo.

Lumalalim na ang gabi, ganoon din ang ating mga pinagsasasabi.

Iniyak ko lahat, luha ko'y napatigil sa pag-agos dahil labi mo'y sa akin ay dumampi.

Buwan ang lumipas at napagpasyahan nating maging tayo.

Iniingatan ang isa't-isa dahil alam natin ang ating mga nakaraa'y magulo.

Lumipas pa ang ilang buwan at masasabi kong mas naging masaya ako sa piling mo,

At sa panahon na iyon masasabi kong ikaw ang makakasama ko hanggang matapos ang istorya sa libro.

Kasama ka sa mga bagong lakwatsa, kahit saang lugar ginagawan natin nang panibagong alaala.

Hindi natin batid ang kapaguran sapagkat ang isa't-isa ang ating pahingahan.

Sabi nila tayo na daw hanggang dulo, yun sana din ang hiling ko.

Hindi sana natin susukuan ang pag-iibigang ito.

Kahit ilang segundo, oras, buwan at taon na ang lumipas,

Parehong tibok, galak, at saya ang aking nararamdaman sa tuwing nakikita ko ang iyong tikas.

Sana ganoon ka rin sa tuwing ako'y iyong nakikita.

Pero sabi nga nila kung gaano kasaya, mas doble ang sakit na ipadadama.

Tinawagan mo ako isang gabi habang ikaw ay lasing,

sa mga salitang binitawa'y buong atensyon ko ay nagising.

"Gusto na kitang pakasalan, hawak kamay nating lilibutin ang buong mundo, magkaka-anak tayo at sabay tayong tatanda, mamahalin kita habang-buhay. What do you think about my plans for us, Eunice?"

Mga luha'y sa pisngi ay dumaosdos, hindi dahil sa kasihayan

Kundi dahil sa sakit, sapagkat hindi akin ang binanggit mo na pangalan.





































Don't forget to like, comment,and vote po.

Thank you and God Bless you all <3

-yuirdinary

Random Poems and Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon