Prologue

25 1 0
                                    


"Kei!!! Napanood mo na ba yung bagong MV ni Kai??? Grabe ang gwapo niya dun bes!!!!" excited na sabi ni Yannie saka umupo sa tabi ko. She's my college best friend.

Tinignan ko siya, "Bes... tinatanong pa ba yan??? Malamang oo. Palalagpasin ko ba naman yun???"

Pinagpuyatan ko nga yung release nun kagabi e at agad kong pinanood. Umaga na ko nakatulog kakapaulit-ulit ko nung MV niya. And I still can't get enough.

"Hahahaha, oo nga naman, bakit nga ba tinatanong pa kita e solid fan ka nga pala niya. Pero ang gwapo niya talaga dun no??" excited na sabi niya sabay tulak sakin.

"Syempre naman, si Kai ko pa ba!!!!" sabay hawi ko ng hair and we both giggled na parang kinikiliti.

"Hay nako, may dalawang nababaliw na naman dahil sa isang lalaking di naman kagwapuhan."

"Excuse me??? May sinasabi ka???"

Mataray na pagkakasabi ko kay Bright na boyfriend ni Yannie at classmate namin sa Philosophy. Naupo siya sa upuan paharap samin.

"Love, alam kong gwapo ka pero wag na wag mong sinasabihan ng ganyan si Kai huh? Dahil di hamak na mas gwapo yun sayo. Hanggang libag ka nga lang ata non." sabi naman ni Yannie. Nice back up bessie ko.

"Aray ko naman Love, masyado mo namang tinapakan ang pagkatao ko." sabi ni Bright na akala mo'y nasasaktan nga.

"Laitin mo na kasi lahat wag lang si Kai ko. Bleh." sabi ko saka kumapit kay Yannie.

"Aguy, talagang pinagtulungan niyo pa ko." -Bright.

"Don't worry ikaw pa rin naman ang love ko." sabi ni Yannie saka kinurot ang pisngi ng boyfriend, napangiti naman ito. Kinilig ang lolo.

"Anyways, ang aga-aga nagchichikahan na kayo, nagawa niyo na ba yung assignment sa Philo??" tanong ni Bright.

"Anong assignment??" tanong ko.

"Meron ba???" tanong naman ni Yannie.

"Ayan, kung ano-ano kasing inuuna niyo. Magbest friend nga kayo. Pasalamat kayo at mabait ako." binuksan niya ang kanyang sling bag saka kinuha ang libro sa loob nito. "Sige na, mangopya na kayo." mayabang na sabi niya saka ipinatong ang libro sa lamesa namin.

Tinignan namin iyon ni Yannie saka kami nagkatinginang dalawa.

"Mapagkakatiwalaan ba namin ang mga sagot mo??" sabi ko.

"Oo nga Love, baka mamaya mali-mali pala yan, nadamay pa kami." sabi naman ni Yannie.

"Ah ganon?? So wala kayong tiwala sa mga sagot ko?? Okay fine. Kung ayaw niyo di wag. Kayo na nga lang itong pinapakopya." kinuha niya ang libro saka tumalikod samin.

Nagkatinginan kami ni Yannie saka sabay na tumawa.

"Hahahaha, Love binibiro ka lang namin, hahahhaa. Peram na kami dali.." sabi ni Yannie.

"OO nga, the best ka talaga Bright. Mabuti na lang at nandito ka. Pakopya na kami." sabi ko naman.

"Hmph. Sige pa suyuin niyo pa ko. Moreee. Wala ng ibang kagaya ko sa mundo. Yang Kai na yan??? Di kayo niyan mapapakopya." 

"Hay nako dinamay na naman si Kai." sabi ko.

"Love, pakopya na kami daliii na. Ang bait-bait talaga ng Love ko, tas ang gwapo-gwapo pa, pero mas gwapo pa din si Kai syempre. Papakopyahin na kami niyan." -Yannie.

"Psh. Pasalamat ka mahal kita Love, di kita kayang tiisin kahit na nilalait mo pa din ako." sabi ni Bright saka ibinalik ang libro samin.

"Yieee thank you Love, the best ka talaga." sabi ni Yannie saka hinawakan ang kamay ni Bright.

"Syempre naman, ganyan kita kamahal." and he intertwined their hands, namula naman si Yannie.

"Eewww. Tigilan niyo na nga yan, masyado na kong nilalanggam dito." reklamo ko.

"Magboyfriend ka na din kasi, hindi ka magkakajowa niyan kung puro ka lang Kai." -Bright.

"Problema ko na yun." sabay irap ko sa kanya at nagsimula ng mangopya.

By the way ako nga pala si Keisha Marie Santos, Kei for short, currently 19 years old. A second year Psychology student in an Exclusive University in the city where most celebrities went to at scholar ako. Kasalukuyan akong nangungupahan sa isang maliit na apartment na nasa rooftop ng isang 3-storey apartment. Medyo may kalayuan ito sa school pero carry naman dahil bukod sa mababa ang upa ay solo ko ang rooftop with magnificent view of the sea. 

At isa kong solid fan ni Kai Cervantes for 10 years now, he's a Star Actor, singer, dancer and a top model with a very handsome face and good body na siyang pinakasikat ngayon. Bukod doon, sobrang bait niya rin sa kanyang mga fans at sobrang humble. So everyone loves him lalo na ko. He also won several awards and remained the BEST YOUNG ACTOR for five consecutive years now.

He's just 10 years old when he started and he already captured my heart. Ever since I saw him in a drama ay sinubaybayan ko na lahat ng kaganapan sa buhay niya. Bawat palabas niya, pinapanood ko, whether horror pa yan or varieties or commercials, wala kong pinapalagpas, finollow ko rin siya sa mga social media accounts niya at kung ano-ano pa. And now, may mga music videos and albums na din siya.

He's really amazing! At such a young age stable na ang kanyang career. Pero ni minsan never ko pa siyang nakita sa personal.

Well, even though I'm a devoted fan, wala naman akong pera para gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga fans tulad ng pagbili ng ticket para sa kanyang mga concerts, or pumunta sa mga fan meetings and mall shows niya. So hanggang screen lang ako palagi.

But actually, I have one and only dream right now and that is to see him in person at least once. Ayokong mamatay ng hindi man lang siya nakikita sa personal. He became my inspiration and motivation in this roller coaster life. So kahit na alam kong imposible, patuloy pa rin akong umaasa. 

But God has another plan, yung hinihiling kong makita lamang siya ng personal ay mas higit pa ang ibinigay. Isang kaganapan na siyang magiging dahilan para mas makilala ko siya at makilala niya ko.

"Pano love birds, mauna na ko sa inyo." paalam ko kila Yannie at Bright.

"Hay nako, for sure manonood ka lang ulit ng music video ni Kai, palagi mo na lang kaming pinagpapalit sa kanya." sabi ni Yannie.

"Hahaha... may part time job ako remember??? Ngayon yung first day ko."

"Owww. Oo nga pala. Good luck sa iyong first day bes." -Yannie.

"Sure. Enjoy sa date niyo." 

"Wait. Yung assignment ah. Baka kalimutan mo na naman." paalala naman ni Bright.

"Yes yes. Sige na babye na." 

Nagpaalam na ko sa kanila saka ko nag-abang ng bus. Habang nag-aabang ay napatingin ako sa billboard at nakita ang napakagwapong mukha ni Kai, advertising the release of his new MV.

He's really like a star, he shines the brightest in my eyes. See you soon my Dream Star.

My Dream Star
by blutisquare

***

My Dream StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon