"Ang gwapo talaga ni Kai no?? Lalo dun sa bago niyang MV."
"Sobrang cool at sobrang hot niya dun!!"
"Oo nga, tas sobrang ganda nung kanta, nakakatouch."
"Parang ikaw yung kinakantahan, nakakakilig."
"Trueeee!!"
Napangiti ako matapos marinig ang usapan ng dalawang high school girls na kasama kong nag-aabang ng bus dito sa waiting shed.
They felt that way because Kai dedicated his song to his fans kaya pakiramdam mo ikaw yung kinakantahan niya doon.
Kai is really popular, he's like the brightest star in the sky that people looked up to, idolized, and admired. I'm glad to become one of his thousands of fans.
Maya-maya'y dumating na rin ang bus at hanggang sa bus ay si Kai pa rin ang laman ng usapan ng mga kabataang nakasakay. Mostly mga high school girls.
Nagsuot na lang ako ng earphone saka pinakinggan ang kanta ni Kai.
Pagkarating sa neighborhood kung saan ako nakatira, agad akong bumaba ng bus saka dumiretso sa convenience store kung saan ako magpapart-time starting today.
"Nabriefing ka naman na kahapon tungkol sa mga gawain dito no? Yung timpla ng mga drinks, paggamit ng microwaves and so on. Lalo na sa cashier, ang shift mo ay 5 to 10 pm and every 6 ay may delivery tayo ng supplies ng drinks and snacks." marami pa siyang ibinilin at ipinaalala bago ako hinayaang makapagbihis at iniwanan.
"361 pesos po ang total, I received 500 pesos, may sukli po kayong 139." ibinigay ko sa kanya yung sukli niya saka ipinack ang kanyang ipinamili kasama na ang resibo. "Thank you and come again."
"Ngayon ka lang namin nakita dito, bago ka lang??" tanong ng isang high school student.
"Yup, ngayon ang first day ko." sabay ngiti.
"Ahhh kaya pala. Sige po salamat po."
"Salamat din."
Saktong alas-sais ng hapon ay dumating ang delivery truck, I assisted the deliverymen saka ko nag-inventory. After that ay isinalansan ko ang mga idineliver.
Kasalukuyan akong nag-iinat-inat ng may pumasok na suspicious customer kaya napaayos ako ng tayo.
"Welcome po." sabi ko pero hindi man lang ako nito pinansin.
The guy is tall, wearing a black cap, black mask and shades. I found him suspicious kaya sinundan ko siya sa monitor ng CCTV. Hindi naman siguro siya magnanakaw or holdaper???
*gulp!*
Hinawakan ko ang phone ko at inihanda ang 911 sa dial pad para in case na may gawin siyang masama ay agad akong makakatawag ng tulong.
Pumunta siya sa noodles section saka kumuha ng dalawang cup noodles, pagkatapos ay pumunta naman siya sa mga drinks at kumuha ng coffee in can. Agad akong kinabahan ng makita ko siyang naglalakad na palapit dito sa counter. Rinig na rinig ko ang puso ko habang palapit ng palapit ang lalaki.
My heart stopped ng nasa harapan ko na siya mismo.
"Miss?? Miss??? I'm gonna buy these.."
Wow English! Is he a foreigner?
"Oh-Oh!! I'm sorry." good to know that he's not a holdaper. But I'm still cautious of him.
He really looked suspicious kaya habang iniiscan ko yung bar codes ng mga pinamili niya ay pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya.
BINABASA MO ANG
My Dream Star
Ficção Adolescente*** Kei, an ordinary college student, has a long time celebrity crush named Kai - a Star Actor, singer, dancer and a top model. Her only dream is to see him in person at least once... but God has another plan. A chance encounter where their strings...