Mommy
March 28, 3:13 p.m.
Ilan may kailangan ka pa ba?
Para isang padala na lang lahat to
Okay na mommy
Damit lang naman namin ni Kelly
Laptop ko pati yung ibang bottles niya
Ayos na lahat
Ay, pasama rin pala nung breast pump ko mommy
Sinama ko na rin yan
Pati ba yung cookies mo dadalhin ko?
Wag na
Hindi ko rin naman kinakain
Hindi ko gusto yung lasa
Okay sige
Sanay na rin naman si Kelly sa formula
Oo mommy
Said na rin nga ata gatas ko
Konti lang :(
Baka ganun talaga
Sige na, ipapadala ko na to
Abangan mo na lang
Okay, thank you!
Bibisita kami ni daddy mo sa makalawa
Hazel
March 28, 4:12 p.m.
Ninang Hazel
Nakalipat na kami
Buti naman!
Ang bait talaga nila
Hindi ko alam paano ako babawi 😔
Hmm...
What if invite mo ng dinner?
Tapos lutuan mo?
Pwede rin
Ano ba pwedeng iluto na madali lang?
Ano ba muna alam mo lutuin?
Kaya ko magluto ng menudo
Sinigang din and almondigas
Spaghetti
Marunong ka ba magluto ng carbonara?
Hindi ko pa nasubukan
Pero magtatanong ako kay mommy kung ano ingredients and paano magluto nun
Okiii
Try mo rin garlic butter shrimp
Or fish fillet tapos gawin mong sauce yung ranch dressing hahaha ang sarap nun, favorite ko 🤤
Sige tingnan ko na lang
Sama ako sa pakain mo please hahaha
Sure why not
Tingnan mo si Kelly habang nagluluto ako
Deal!
Magdadala ako ng dessert
Thanks, Ninang! 💜
