Marco
May 6, 10:19 p.m.
Pwede ko ba kayo makita ni Kelly bukas?
Check-up niya bukas
Pwede akong sumama?
Sige, ikaw bahala
Anong oras?
3pm
Okay
Sunduin ko ba kayo?
Wag na
Sa ospital na lang tayo magkita
Sige
Mama
May 7, 1:32 p.m.
Lucky dito ka ba kakain ng dinner mamaya sa bahay?
Oo ma, bakit?
Can you invite Ms. Iola over?
Miss ko na sila ni Kelly
Sige tatanungin ko
Lucky
May 7, 4:39 p.m.
Ilan
Pwede raw ba kayo mamayang dinner sabi ni mama?
5:21 p.m.
Baka hindi
Bakit?
Nag iinvite siya
Miss niya na raw kasi kayo
Ano, sorry hindi talaga
Okay lang ba kung next time na lang?
Ayos lang
Naglilipat ka na ba ng gamit ninyo ngayon?
No
Check-up ni kelly ngayon sa pedia
Ay sayang
Sana pala sumama ako
No need na lucky
Paano kung may injection na naman siya?
Iiyak na naman si baby :(
Kawawa naman
Wala siyang injection kanina
Di naman siya umiyak don't worry
Buti naman
Nasa ospital pa rin ba kayo?
Gusto mo ba sunduin ko na lang kayo dyan tapos sa bahay na tayo kumain?
Wag na lucky
Next time na lang
Bakit?
Kasi kasama namin ni si marco
Ipapasyal daw niya si kelly after namin dito
Ah... okay sige
Sa susunod na lang
Sorry
Ayos lang
6:01 p.m.
Ilan?
Yes?
Okay lang basta ako pa rin si Baba ha?
Hahaha kayo ni kelly bahala mag-usap dyan
Nagkakaintindihan naman kayo
Sabihan mo ako kapag nakauwi na kayo
Bakit?
Para tatawag ako
Ano namang sasabihin mo mamaya?
Dito mo na sabihin
Ganun din naman
Di naman ikaw kakausapin ko
Si kelly kaya
Ay okay
Kala mo ha 🤨
