Ninangs ✨
April 22, 7:41 p.m.
Mommy Ilan:
Kayo ba nagpadeliver ng chicken wings sakin?
Ninang Hazel:
Tingin mo?
Di ko nga mabilhan sarili ko ikaw pa kaya
Ninang Jazelle:
Init ng ulo mo Hazel
Wag mo siya pakinggan, pinagbubuntunan ka lang niyan @Iola Krishna
Mommy Ilan:
Hahaha okay ang weird lang kasi
Ninang Jazelle:
Bakit?
Mommy Ilan:
Hindi naman ako nag order tapos paid na rin siya
Tinanong ko pa baka mali ng tower at unit pero tama naman. Wala naman sigurong may balak lumason sakin diba?
Ninang Hazel:
Tanungin mo si Marco
Mommy Ilan:
That's impossible
Di niya alam exact address ng unit ni Lucky
Ninang Hazel:
Edi tanungin mo may ari ng unit baka siya nagpadala
Ninang Jazelle:
Wow sana kami rin
#shareyourblessings
Mommy Ilan:
Nakakahiya naman
Saka bakit niya gagawin yun?
Ninang Hazel:
Edi tanungin mo mama mo baka siya nagpadala
Mommy Ilan:
Okay sige
Mommy
April 22, 7:53 p.m.
Mommy
Ikaw ba nagpadeliver ng chicken wings dito
Ha? Chicken wings?
Hindi anak
Bakit?
May nagbigay kasi
Tapos paid na rin
Hala
Sinong nagdeliver?
Yung delivery guy mismo ng restaurant
Okay
Kasi kung iba wag mong kainin
Hindi ba si Marco yan?
I'm sure hindi siya
Hindi ko na rin alam anak
Hay :(
Okay mommy
Sige na
