Lucas Zendejas
May 1, 6:39 p.m.
Nandito na ako sa parking lot
Pabukas na lang ng pinto marami akong dala
Baka di ako makapag doorbell
Okay, sige
Ninangs ✨
May 1, 9:42 p.m.
Mommy Ilan:
Are you there?
Ninang Hazel:
Oh ano?
Bakit?
Ninang Jazelle:
Catch up ako sa inyo mamaya
Kain lang ako
Mommy Ilan:
Nandito si Lucky
Ang dami niyang dalang pagkain
Ninang Hazel:
Tapos?
Mommy Ilan:
May dala din siyang long stem rose
Ninang Jazelle:
OMG!!!
Ninang Hazel:
Akala ko ba kumakain ka
Ninang Jazelle:
Napasilip ako hahaha
Mommy Ilan:
Kain ka muna Jazelle
Ninang Hazel:
Ano na nangyari pagtapos?
Mommy Ilan:
He told me about his feelings. Super confused daw siya
Tapos nahiya rin nung bigla siyang napaamin sa akin one time nung nalasing siya which happened again nga. Then pumunta siya ngayon para sabihin sakin lahat, siya nga rin daw yung nagpapadala ng deliveries dito.
Ninang Hazel:
Ano naman sinabi mo?
Mommy Ilan:
I told him na okay lang kung may feelings siya sa akin and nag thank you rin ako, lalo na dahil nag stay kami dito, close siya kay kelly, and pati na rin sa mga pagkaing pinadadala niya
Ninang Hazel:
Paano kapag tinanong ka kung pwede manligaw?
Okay lang din ba sayo?
Mommy Ilan:
Alam mong wala sa isip ko yan hazel
Mas gusto kong kay kelly muna attention ko
I also have to look for a new job
Ninang Hazel:
Pero paano nga kapag tinanong ka?
Basted ba agad?
Mommy Ilan:
Hindi naman
Ninang Jazelle:
OMGGGG!
So may chance?
Ninang Hazel:
Ano na ilan hahaha
Sagot
Mommy Ilan:
Oo, meron
Ninang Jazelle:
SHEEEET!!!! 😭🥺💜💗🤍
Ninang Hazel:
Ayokong kiligin
Pero kinikilig talaga ako 😭
Mommy Ilan:
Gusto niyo ba si lucky for me?
Ninang Hazel:
HINDI PA BA OBVIOUS?
Ninang Jazelle:
Sa totoo lang parang mas tatay pa siya ni Kelly kaysa kay marco.
Mommy Ilan:
About that...
Alam niyo ba mas excited si kelly kanina nung nakita niya si lucky kaysa nung nakita niya si marco? But I think that's because mas familiar na siya kay lucky. Nagpabuhat kasi agad si kelly sa kanya kanina pagkarating tapos ang higpit ng yakap
Ninang Hazel:
Wala akong pakelam kay marco
Basta #TeamLucky ako
Ninang Jazelle:
#TeamLucky rin si baby kelly
I'm claiming it!
Ninang Hazel:
Ikaw na lang kulang sa team namin @Iola Krishna
Mommy Ilan:
WAIT
OH MY GOD!!!
Ninang Hazel:
Ano bakit?
Okay ka lang?
Mommy Ilan:
KELLY JUST MUMBLED HER FIRST WORD!!!!
Ninang Jazelle:
HALA ANO SINABI NI KELLY?
Mommy Ilan:
Sabi niya kay lucky ba-ba 😭
Tampo ako bakit hindi mama?
Ninang Hazel:
Confirmed
#TeamLucky nga si Kelly HAHAHAHAHA
Mommy Ilan:
Hindi ko na video yun, sayang 😭
[Twitter]
Lucky @luckyzendejas
Baba 💗
| H @hazeline replied:
💗💗💗💗💗💗💗💗
