Lucky
May 30, 1:42 a.m.
Gising ka pa?
Oo
Bakit?Nothing, I'm just tired
And I miss youI miss you too
Sabi ko naman sayo kahit subukan mo muna yung isang online job, tapos kapag kaya mo saka ka ulit kumuha ng isaKaya ko naman lucky
I'm just really tired
Ang sakit sa may balikat ko
Halos 1 week pa lang din tong trabaho ko :(
I'm sure masasanay din ako soon enoughLagyan mo ng ointment
O kaya kahit yung patch
Si Kelly ba tulog na?Naglagay ako ng patch
Kaka sleep niya lang dinAnong oras yung work mo ngayon?
2am hanggang 6 am
Anong oras ka nakakatulog niyan?
8am kasi gigising si kelly ng 6
Papalitan ko siya ng diaper, mag mimilk siya
Papaarawan tapos maliligo
By 8am tulog na kami ulitAnong oras gising mo?
12 para dun sa isang work ko
1pm kasi start nunAko yung napapagod sa ginagawa mo
Hindi ka ba nalilipasan ng gutom dyan?
Alam ko diretso ka pag nagtatrabaho ka naKumakain lang ako ng snacks in between
Snack lang?
Oo, wala na akong time magluto eh
Kahit delata?
Nakakapagbukas naman ako minsan ng delata
Alam mo wala na akong pasok
Gusto mo ba dumaan ako bukas?Wag na lucky
Sige na, tutulungan kita
Matulog ka tapos magtrabaho ka
Ako na bahala kay kellyIs that okay for you?
Kasi ang tempting ng offer moOo naman
Bakit hindi?Okay then, I'll see you tomorrow
Super thank you!Wala yun
Basta magpapahinga ka rinThank you, Baba.
You're welcome
Kahit ano basta para sa inyoSige na, I'll turn my phone off para makapag focus ako sa work, it's almost 2 am
Goodnight din!Good night
2:04 a.m.
Alam ko hindi ko nasabi dati nung umamin ako sayo, pero humahanga ako sa lahat ng ginagawa mo para kay Kelly. Sorry talaga ang bastos ko sayo nung una, hindi ko kasi maintindihan eh, sarili ko lang din nakikita ko. Pero ang dami kong natutunan sayo. Alam ko ring pagod ka na, gusto ko lang sabihin na you inspire me in your own way. Sana kasing responsable mo rin ako. Dahil sayo nakokonsensya tuloy ako sa mga pinaggagawa ko kay Mama, hindi pala dapat. Hindi ko alam kung paano mo nakakaya lahat, basta kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako parati. Magsabi ka lang. Good night, Ilan.
