BEEN JINXED
Chapter 1"Miss Ynaiah, nagugutom ba kayo? Gusto niyong huminto ba muna para makakain ka na?" tanong ni kuya Marlon, driver ko.
Papunta kami ng Hacienda Hermosa ngayon. Wala akong nagawa, sabi ni mommy kahit isang buwan lang daw akong magbakasyon ay ayos na. Pwede ko ring papuntahin ang mga kaibigan ko rito kung gusto ko. Welcome sila sa Villa namin.
"Hindi na ho kuya, diretso na tayo. Kakakain ko lang din ng snacks dito," tumango siya.
Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang mainis dahil panay ang notif ng phone ko. Nadismaya kasi ang mga kaklase ko dahil nga hindi na ako makakasama sa Coron.
Ako rin, nadidismaya.
Mas gusto kong sumama sa kanila sa Coron kaysa mainip sa hacienda. Paniguradong wala ro'n ang mga gwapong anak mayaman ng taga ibang Villa.
Kainis talaga!
I opened my IG.
Nag seen ako sa group chat namin ng mga classmates ko. Topic nila ako, hindi kasi ako makakasama. Nagbackread pa ako at nabasa ko ang message ni North na hindi raw siya sasama 'pag hindi ako sasama. Baliw talaga.
Nagpop ang isang message sa taas. It's a private message. Si North.
North: Sumama ka na kasi.
I smiled. Ang kulit talaga ng isang 'to.
Me: Next time.
North: When is that next time then? huh?
North: Kidnapin ka nalang kaya namin diyan?
Magtatype na sana ako ng message kaya lang nagpop ulit ang message niya. Ang bilis talaga magreply nito.
North: Gayahin mo kapatid mo, maglayas ka rin, tapos balik ka kapag trip mo na. Lol.
Natawa ako ng malakas. I know he's not talking about my brother Yaeil, he's talking about Yvil.
Kay Yvil niya natutunang maglayas. Dati kasi naglayas si Yvil, ayaw kasi siya payagang sumama sa Batangas kasama ang goody-goody friend niya. Fiesta kasi raw doon at masaya don kapag Fiesta.
Kasama lahat ng kaibigan niya. Ayaw niyang magpahuli kaya ayon, naglayas. Ang tatlong araw na bakasyon noon ay naging isang linggo, natatakot kasi siyang umuwi dahil mapapagalitan siya.
Sa huli ay umuwi rin naman siya.
Ilang oras din ang chat namin ni North. Nakipag video call din ako sa mga kaibigan hanggang sa magsawa kami sa pagmumukha ng isa't-isa.
HACIENDA HERMOSA
Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Narito na kami. Alam kong mabobored ako rito pero 'di ko muna iisipin 'yon. Namiss ko ang lugar na 'to.
Sa excite ko 'di ko na napigilang buksan ang window ng car. I even take a video to upload in my my story.
Instagrammable! Ang ganda!
Mabuti nalang at nagdala ako ng mga outfits ko. Magpho-photoshoot ako mag-isa. I'm excited!
Nang makarating na kami sa Villa ay mas naexcite ako. Hindi ko na nahintay na pagbuksan ako ng pinto, bumaba na ako kaagad.
Wearing my white high waisted shorts, white Chanel tube top and a pair of white 3-inch boots, lumabas ako.
I feel so beautiful with my all white outfit.
Mula rito sa pwesto ko ay kitang kita ko ang kagandahan ng mansion. Mayroon din malaking fountain sa gitna. Mas maganda na ang fountain ngayon. Umiilaw 'yan sa gabi at mas maganda 'yon.
YOU ARE READING
Been Jinxed
RomanceBecause of her stubborn little brother, Ynaiah was asked to go to their Hacienda and look after him. It's summer and she thinks she shouldn't be babysitting her lil bro'. Summer means having fun doing something that she likes, that she wants. She sh...