BEEN JINXED
Chapter 3"Ynaiah! Bumangon ka riyan! Your brother is missing!" Si Lola Letissia sa likod ng pinto na kumakatok.
I searched for my slippers.
Binuksan ko ang pinto.
"Oh my God! He is missing! Our maids made milk for your brother then they've found out that Yaeil's not inside his room!" She is in her night dress. I can feel her nervousness.
"Hahanapin ko po ang kapatid ko."
"Pinapahanap ko na rin siya sa mga tao. This is the first time that he sneak out in the middle of the night!" Hinawakan niya ang noo niya.
Hinila ko siya paupo sa sofa.
"Dito po muna kayo. Mahahanap natin si Yaeil, 'La..."
DALA ang cellphone ko ay lumabas ako para hanapin si Yaeil. I already informed Yvil. Kay mommy at daddy ay hindi ko sinabi. It's past nine PM. They're tired from work, I don't want to cause more stress on them.
Lintek naman kasing Yaeil 'to e. Lakas trip. Saan na naman kaya nagsusuot 'yon? Layas layasan ang eksena in the middle of the night, e.
"Yaeil!" Sigaw ko habang naglalakad. Mabuti nalang at maliwanag. Binuksan kasi lahat ng ilaw sa buong mansyon.
"Hoy Yaeil! Magpakita ka na! Bukas ka nalang maglayas, samahan pa kita." Joke.
Kung si Yvil ay baka nga totohanin pa niya ang birong 'yon. Demonyo yon e. Siya ang nagturo ng mga kaabnormalan dito sa kapatid niya. Baliw talaga.
"Yaeil, isa!"
Makakarating pa ata ako ng ibang Villa. Saan kaya ang Villa nila Colossus?
"Yaeil!" Itatanong ko nalang sa kanya ang Villa nila.
"Miss Ynaiah!" Habol sa akin nung tauhang tingin ko'y kasing edad ko lang.
Kumunot ang noo ko sa kanya.
"Nasa may kuwadra po si Yaeil, miss." Nanlaki ang mata ko.
God!
Anong trip no'n at bakit nasa kuwadra?
Dalidali akong pumunta roon. Nakita ko ang ilang tauhang nasa may pinakadulo. Instinct at doon ako pumunta.
"Yaeil!" Yakap ko sa kapatid ko matapos makitang umiiyak.
"Ikaw talaga! Pinag-alala mo kami!" I cupped his face. "Anong ginagawa mo rito, ha?"
Tinuro niya ang kabayo. "Gusto ko rin sumakay diyan!" Iyak niya. "I saw you, sumakay ka sa horse. Gusto ko rin!" Gamit ang laylayan ng damit niya ay pinunasan niya ang luha niya.
Umikot ang mata ko. "Bukas, sasakay ka riyan. Halika na, matutulog na tayo."
Nakakaloka! Sana sinabi niya kanina pa noong nakita niya ako.
"Tama na nga ang iyak! Ba't ka ba umiiyak ha! Parang 'yon lang." Binulong ko 'yung huli.
"E kasi, sumampa ako tapos nahulog ako," nakangusong sagot niya. I roll my eyes. Ako nga nahulog pero 'di naman ako umiyak. Charot! Nasalo naman kasi ako, at bata pa kasi siya.
"Kawawa ka naman pala." Nakinguso ako. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Sumbong kita kay Yvil! You didn't invited me to join horseback!" Sigaw niya sa pagmumukha ko pagkatapos ay tumakbo.
Oh my gush parang timang! Sumbong niya! Samahan ko pa siya!
"Madapa ka!" Sana. Madapa ka sana, 'che!
YOU ARE READING
Been Jinxed
RomanceBecause of her stubborn little brother, Ynaiah was asked to go to their Hacienda and look after him. It's summer and she thinks she shouldn't be babysitting her lil bro'. Summer means having fun doing something that she likes, that she wants. She sh...