BEEN JINXED
Chapter 2"Kasama namin ang apo ni Carpio, nagmagandang loob, inihatid kami," ani Lola Lynea.
"Siya nga pala, si Ynaiah Ica, ang dalaga namin," nakakalokang pakilala ni Lola Lucille sa 'kin.
Tumingin siya sa 'kin. Ngumiti siya at naglahad ng kamay.
"Colossus,"
Nahihiya kong tinanggap ang kamay niya. Nakaka conscious dahil pakiramdam ko namamawis ang kamay ko.
"Ynaiah," mabilis akong bumitaw.
"Kumain ka na ba hijo? Sabayan mo na 'tong dalaga namin," dalaga namin. Shit naman Lola Luce, 'wag naman gan'yan. "Ynaiah, ayain mo ang kuya Colossus mo."
What?
"K-Kuya?" nalilitong tanong ko.
Tumawa ang matanda. "Ikaw talaga! Beinte uno na 'yan! Nakasalubong lang namin siya palabas, nangabayo, malamang ay hindi pa kumakain 'yan, tanghali na. Halika ka na Colossus, sabay ka na rito sa apo namin." Hinila ni Lola Luce sa braso ang lalaki.
"Hindi na ho, inihatid ko lang kayo. Sa bahay na ho ako, salamat." Magalang na sabi niya.
"Nangabayo ka? Mangangabayo rin itong si Ynaiah Ica, hindi marunong, pwede mo ba siyang turuan?" si Lola Letissia.
Shit! Lakas naman pala ni Lola, gan'yan nga Lola, good 'yan.
"A-Ah hindi na, Lola nakakahiya naman," pabebe ko pang tanggi kuno.
Bumaling sa 'kin si crush. Shit ang landi ko, crush talaga.
Tumaas ang kilay niya. Ngumisi siya at nagkagat labi. "Sure," kay Lola Letissia na siya nakatingin.
Dude, sure raw! Oh my gush! Oh my gush!
Kinagat ko pa ang dila ko sa loob ng bibig para magpigil ng excite.
Tumunog ang bracelets ni Lola Lucille kaya napatingin ako sa kanya. Makahulugan siyang tumingin sa 'kin.
Opo Lola, type ko 'tong kasama niyo!
Awkward akong ngumiti sa kanya.
"What time do you wanna horseback?" tanong ni Colossus.
"Ako?" parang tangang tanong ko na tinuro pa ang sarili. "Uh, i-ikaw, kung kailan ka free," ngumiti ako.
"What about 4 pm?" Kumunot ang noo ko. Bakit alas kwatro pa? Pwede namang ngayon na para mas mahaba haba ko siyang makasama.
"Ikaw..."
"4 pm, para hindi gaanong masakit sa balat ang araw." Oo nga naman.
"Alright! 4 pm then..."
SUOT ang black high waisted shorts, hanging t shirt at pares ng itim na boots ay humarap ako sa salamin.
YOU ARE READING
Been Jinxed
RomanceBecause of her stubborn little brother, Ynaiah was asked to go to their Hacienda and look after him. It's summer and she thinks she shouldn't be babysitting her lil bro'. Summer means having fun doing something that she likes, that she wants. She sh...