Chapter 4:First Date

967 28 0
                                    

CHAPTER FOUR

Mart Kervin's POV

Maaga akong gumising para paghandaan ang first date namin ni Keita. Nagpagwapo ako para sa kanya kahit na alam ko na sa sarili ko na gwapo ako. Pababa na ako ng hagdanan ng matanaw ko na ang family ko sa dining area.

"Good Morning po!"magiliw kong bati, kumunot naman ang noo ni mommy pero nakangiti

" Good Morning,"sabay sabay nilang bati

"Ang gwapo mo anak ah, may lakad ka?"tanong ni mommy

"May date yan mom"singit ni Kelly

Kahit kailan talaga paepal ang kapatid kong ito. Lagi na lang akong pinangungunahan, porket alam nya kapag may lakad ako o wala.

"Sinong kadate mo anak?"tanong na naman ni mommy

"Makikilala nyo din sya mommy"sabi ko ng nakangiti

"Actually mom, kilala nyo na"singit na naman ni Kelly, nakangisi ang loka-loka

"Talaga?"parang excited na tanong ni mommy, tumango lang si Kelly bilang sagot saka ako sinulyapan ng nakangisi

"Girlfriend naba iho?"si daddy naman ngayon ang nagtanong

"Ah, daddy hindi pa,"taas noong pag epal ni Kelly

"Huy! Wag ka ngang epal dyan!"iritado kong saway kay Kelly na kanina pa epal ng epal

"Gaano katagal ka ng nanliligaw sa kanya?"si daddy parin

"Nung isang araw lang po"ngumuso ako kay daddy, sya naman ay umiiling ng nakangisi

"Siguraduhin mong mapapasagot mo sya anak ha, pag nagkataon first girlfriend"pang aasar pa ni mommy kaya lalo akong napanguso

"What is her name kuya?"bigla ay tanong ng kapatid kong bunso

Hindi ako nakasagot agad dahil kapag sinabi ko ay alam na agad nila kung sino dahil madalas dito maglibot sila Keita tuwing gagawa ng project.

"Secret muna Martin"sagot ko, inirapan nya lang ako

Nang matapos naming mag breakfast ay nagpaalam na akong aalis na dahil hinihintay na ako ng date ko. Panay ang bungisngis ni mommy at Kelly, si daddy naman ay ginu-goodluck ako. Sana raw sagutin ako.

Ngayon lang kasi ako nanligaw ng babae. Nang babae? Tch. Natural babae ang liligawan ko as if naman bakla ako duh, no way! I'm not gay! Tsk.

"Mag ingat ka anak"nakangising sabi ni mommy

Sumakay na ako ng kotse at bago ko ito pinaandar ay tinext ko muna si Keita.

Ako:

I'm on my way. See you.

Nagreply naman sya agad.

Keita:

I'll wait. See you.

Hindi na ako nagreply at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho.

Nang makarating ako ay hindi ko mapigilang mapangiti. Tinignan ko muna ang isang bungkos ng puting rosas na ibibigay ko para sa kanya. I don't know why, but I really, really like her. Nag doorbell ako at agad naman akong pinagbuksan ng guard nila.

"Good Morning sir,"nakangiting bati nito sakin

"Good Morning"ngumiti rin ako saka ako nagtuloy papasok sa bahay nila

The Day She Said GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon