Play, Kabilang buhay by:Bandang Lapis while you're reading this chapter :)
CHAPTER 11
Ngayong araw na ito ang huling beses na makikita ko ang magandang mukha ni Keita. Hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap na wala na sya. Na iniwan na nya ako.
"Ang sabi mo hindi mo'ko iiwan, e ba't ka nandyan? Bakit hindi ka lumaban?"sa pagkakataong ito ay umiiyak na naman ako
Walang araw na lumipas na hindi ako umiyak. Sa buong maghapon ko ay tanging pag-iyak lang ang nagagawa ko. Ang hirap-hirap tanggapin. Ang sakit-sakit isipin. Bakit si Keita pa?
"Akala ko ba, sa tuwing birthday ko babatiin mo ako? Kaya ba ilang beses mo akong binati nung birthday ko, dahil last na yon?"patuloy lang ako sa pag-iyak
Hinaplos ko ang litrato nya kasama ako. Kuha ito noong first monthsary naming dalawa. Napakaganda ng ngiti nya. Na hindi ko na muling makikita pa dahil wala na sya. Iniwan na nya ako. At hindi na babalik pa.
Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang video nya noong sinurprise ko sya sa mismong araw ng monthsary namin.
"Saan mo ba kasi ako dadalhin?"tanong nya, naka blindfold kasi
"Basta, malapit na tayo!"natatawang sabi ko habang nakaalalay sa kanya
"Ano na naman bang kalokohan 'to Mart Kervin?"ayaw talaga nyang tumigil sa pagtatanong
"Shhhh! eto na tayo, stop na."sabi ko
Huminto na sya pero may blindfold parin. Natatawa na lang ako dahil sa kanya. Alam kong kanina nya pa gustong tanggalin ang piring sa mga mata nya.
Nandito kami sa gym ng school. Dito ko ginawa ang surprise. Marami akong mga kasabwat na estudyante.
Sa kinatatayuan nya ay panay petals ng rose na nakahugis heart. May mga lobo din sa paligid. Sa stage nakalagay ang katagang 'Happy Monthsary Love'. May mga nakasabit ring pictures namin.
"Hindi pa ba pwedeng tanggalin?"nagrereklamo na sya
Natawa ako. Lumapit ako sa likod nya at dahan-dahang tinanggal ang pagkakabuhol ng blindfold.
"Happy Monthsary Love!"masayang bati ko sa kanya
Natutop nya ang bibig nya ng makita ang paligid nya bago lumingon sa akin. Nabasa ang gilid ng mata nya dahil sa luha. Tears of Joy lang yan.
Mabilis syang lumapit sa akin para yakapin ako ng mahigpit. Niyakap ko rin sya pabalik.
"Happy Monthsary din, I love you always and forever."naiyak na sya ng tuluyan
"I love you, more than always and forever!"tugon ko na mas lalong nagpahigpit sa yakap nya
Tumigil ang video. Senyales na tapos na. Napahagulgol na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"K-Keita, h-hindi ko k-kaya na w-wala ka,"hagulhol ko "B-Bakit mo k-kasi a-ako iniwan? H-Hindi ko a-alam kung p-paano mabubuhay ng w-wala ka s-sa t-tabi ko, mahal ko."pahina ng pahinga ang boses ko dahil sa pag-iyak "Pakiusap, g-gisingin nyo n-na a-ako, g-gisingin n-nyo a-ako sa b-bangungot na'to, h-hindi ko k-kakayanin."
Walang ako tigil sa pag-iyak. Yakap-yakap ko parin ang litrato naming dalawa. Kung saan buhay na buhay pa sya. Kung saan masayang-masaya pa kaming dalawa. Kung saan hindi ako lumuluha. Kung saan magkasama pa kaming dalawa. Pero ngayon, wala na sya. Tuluyan na nya akong iniwan. Umalis sya at nagpaalam. Kung saan kapag nakapagpaalam kana, wala ng balikan pa kahit gustuhin naming dalawa.
At sa paglisan nya. Hindi ako pwedeng sumama. Aalis sya ng walang kasama. At iiwan na akong mag-isa. Paano na ang buhay ko kung wala ka Keita? Kakayanin ko ba? O tuluyan na akong mawawalan ng gana dahil hindi na kita muling makikita at makakasama?
Paano pa ako sasaya kung wala kana? Paano na ako tatawa kung wala ng dahilan pa para maging maligaya? Paano pa ako lalaban kung ikaw mismo ay tuluyan ng nang-iwan. At hindi na babalik pa kailanman.
"Kervin!"napalingon ako sa may bintana ng kwarto ko
Nandoon sya. Nakatayo. Nakangiti sa akin. Muli na namang tumulo ang luha ko. Mabilis akong lumapit sa kanya para mayakap sya.
"A-Akala ko, i-iniwan mo na a-ako."sabi ko habang nakayakap sa kanya
"I'm so sorry for leaving you, gustuhin ko mang manatili sa tabi mo wala na akong magagawa, nangyari na ang nangyari."malungkot na sabi nya na lalong nagpaluha sa akin
Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Ayoko ng bumitaw sa yakap nya. Ayoko ng pakawalan pa sya. Natatakot ako na baka kapag bumitaw ako sa kanya hindi ko na ulit sya makita pa.
"Lagi mong tatandaan na kahit wala na ako, mananatili naman ako sa tabi mo, lagi kitang babantayan at hinding-hindi kita pababayaan, mahal na mahal kita, Goodbye my love."sabi nya at unti-unti ng naglaho sa paningin ko
"K-Keita, please comeback!"pagsusumamo ko "Wag mo akong iwan!"hagulgol ko
Bigla na lang akong napabangon. Isa lang panaginip. Pero bakit parang totoo. Pakiramdam ko nandito sya at niyayakap ako.
"Kuya,"biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa ang kapatid kong si Martin
Lumapit sya sa akin at niyakap ako agad. Gaya ko ay umiiyak na rin sya. Alam kong nasasaktan din sya sa pagkawala ni Keita.
"Kailan babalik si ate Keita, kuya?"umiiyak nyang tanong
"S-She will never c-comeback."nasaktan ako sa sarili kong sinabi
"Paano ang promise nya sa akin? Ang sabi nya babalik pa tayo sa ihawan nila Aling Minda to eat more barbeque."umiiyak parin sya
"I'm sorry baby, but ate Keita can't fullfil her promises to us."
Ang sakit. Ang sakit-sakit. Sobrang sakit. Sana ako na lang. Sana ako na lang ang nawala. Sana hindi na lang si Keita. Sana hindi ako tumalikod sa kanya. Baka sakaling nandito pa sya. Baka sakaling masaya parin kaming magkasamang dalawa. Pero hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan dahil ito na ang katotohanan. Katotohanan kung saan wala ng Keita. Dahil iniwan na nya ako.
Wala na ring saysay ang mga pangako ko sa kanya dahil wala na sya dito. Wala na akong pakakasalan pagdating ng panahon. Wala na akong kasamang kakain ng barbeque. Wala na akong kasamang tumawa. Wala ng kikiligin sa mga salita ko. Wala ng babati sa akin ng paulit-ulit sa tuwing kaarawan ko. Wala ng magpapangiti sa akin sa tuwing malungkot ako. Dahil wala ng Keita sa buhay ko. Wala na ang Keita'ng mahal na mahal ko at mahal na mahal ako. Iniwan na nya ako. Nagpaalam na sya ng tuluyan sa akin. Umalis na sya kahit hindi pa ako handa na maiwan. Umalis na sya kahit na ayoko pang magpaalam.
Umalis na sya at tuluyan na akong iniwan.
BINABASA MO ANG
The Day She Said Goodbye
Short StoryAng pag-ibig na tunay, hindi mawawala habang buhay. Date started: July 01, 2020 Date Finished: September 13, 2020