Chapter 8: Kervin's Day

622 29 5
                                    


MART KERVIN'S POV

September sixth. It's my day. Pagkagising ko pa lang ay tinawagan na ako ng babaeng pinakamamahal ko.

"Happy Birthday love!"masiglang bati nya na nagpangiti sa akin

Ang marinig ang boses nya ay napakasarap sa pakiramdam. Lalo na kapag nandito sya sa tabi ko.

"Thanks love!"kahit hindi nya ako nakikita ay ngumiti ako

"Ano wish mo?"tanong nya

"Ang makasama ka habang buhay"sagot ko

Natahimik sya kaya natawa ako. Siguro ay pulang-pulang pula na ang pisngi nya ngayon.

"Kinikilig ba ang prinsesa ko?"nakangising taning ko

"H-Hindi ah!"tanggi nya

"Hindi, pero nauutal"pang-aasar ko pa

"Wag ka ngang feeling dyan!"kahit hindi ko sya nakikita ay alam kong nakanguso sya

"Akala ko ba sa salita ko pa lang kinikilig kana? Bakit ngayon tinatanggi mo na?"sinabi ko iyon na malungkot ang tono

"Birthday na Birthday mo nagda-drama ka, sige ka papanget ka nyan"

"Hindi bale ng pumanget, basta hindi mo lang ako ipagpapalit"

"Kahit na kailan hindi ko naisip na ipagpalit ka"

"Promise yan ah?"

"Promise!"

Nag-asaran pa kaming dalawa hanggang sa magpaalam na syang magbe-breakfast. 7:30 pa lang pala ng umaga.

Tumayo na ako para maligo. Ilang minuto lang ang itinagal ko doon dahil nakaramdam na ako ng gutom. Matapos magbihis ay bumaba na ako papuntang dining room. Nandoon na sila mommy at daddy pati mg kapatid ko. Binati nila ako ng makita. Nagpasalamat muna ako sa kanila bago ako naupo.

Nagsimula na kaming kumain at panay si mommy, daddy at Kelly ang nagsasalita. Tinatawanan ko na lang sila. Excited na raw sila para sa mamaya. Kahit ako ay nae-excite na rin.

Matapos ang breakfast namin ay pumunta na kami sa R.N.G. resort. May dalawang maliit na pool dito. Sa gym ng resort nito gaganapin ang party. Si mommy ang nag request na dito daw ganapin ang party ko.

Halos puro relatives,classmates, at mga close friends lang ang inimbita. Simple lang ang lugar. Nilagyan ng maliit na stage sa harapan. Mayroon ding photobooth. Kahit maaga pa ay busy na ang lahat.

Ngayong araw ay ipakikilala ko sa lahat ang girlfriend ko. Si Keita Drendina Rivera. Ang kaisa-isahang babaeng minahal ko ng sobra.

Nang magtangahli ay nandoon parin kami. Doon na rin kami kumain ng lunch. Natapos na ang pag-aayos. Maganda ang kinalabasan. Halos blue ang makikita sa paligid. Yeah, that's my favorite color.

Kakatapos lang namin kumain ng maisipan kong tawagan si Keita. Idinial ko ang number nya. Nakatatlong ring pa ito bago nya sinagot.

"Hey...."bungad ko

"Hmmm?"ang tipid naman

"Kumain kana?"I asked

"Yes po!"masiglang sabi nya

"Where are you?"

"Sa bahay lang"sagot nya

"Can I fetch you?"tanong ko

The Day She Said GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon