CHAPTER FIVE
Mart Kervin's POV
Isang buwan na ang nakalilipas simula ng magdate kami ni Keita. Sa mga araw na lumipas hindi naging mahirap para magkalapit ang loob namin ni Keita. Everytime that we're together I always see her smile. Once a week kung magdate kaming dalawa. Alam na ng mga magulang namin kung ano kami.
Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila. May date kami ngayon. Hindi na ako nag effort na pumasok sa loob dahil ayan na sya at palabas na ng gate nila. Simple lang ang suot nya. Blue shirt,pants at naka rubber shoes na white. Sa tindahan ng mga street foods kami pupunta. Sya ang nag desisyon non. Dati nyang yaya ang nagtitinda don.
Matagal na raw silang hindi nagkikita kaya ng niyaya ko syang magdate dun agad nya nirequest magpunta. Wala akong nagawa kundi pumayag.
"Kanina ka pa?"she asked
"No. Kadarating ko lang"sagot ko saka ako ngumiti
Pinagbuksan ko sya ng pinto sa passenger's seat. Pumasok sya don at nang makaupo sya ay ako naman ako sumakay sa driver's seat.
Panay ang turo nya ng dapat naming daanan. Hindi ko kasi alam kung saan yon kaya tinuturo nya.
Hininto ko ang kotse. Bumaba ako para pagbuksan sya. Pagkababa nya bumungad agad sakin ang maganda nyang ngiti.
"Tara don!"masiglang yaya nya sakin habang nakaturo sa may tindahan ng mga ihaw-ihaw
"Nanay Minda!"buong siglang tawag nya sa isang matandang babae
"Keita Drendina? Ikaw na ba iyan iha?"nagugulat na tanong nung matandang tinawag nyang Nanay Minda
"Nanay Minda naman e, hindi mo na po ba ako nakikilala?"nakangusong tanong ni Keita
"Ito talagang bata na ito hindi na mabiro"natatawang sabi ni Aling Minda "Sino naman itong gwapong binatang kasama mo? Sya na ba ang boypren mo?"baling sakin ni Aling Minda
"Ah, a-ano s-sya po si-------"hindi na nya naituloy ang sasabihin nya dahil nagsalita na ako
"Ako po si Mart Kervin, boyfriend po nya!"buong galak kong sagot, may diin sa salitang 'boyfriend'
Nakita ko ng manlaki ang matawa ni Keita na ikinatawa ko.
"Ke-gwapong binata, o sya maupo kayo at ipaghahanda ko kayo ng ihaw-ihaw at alam kong namiss mo ito Keita"sabi nya saka kami pinaupo
Pagkaalis nya ay tinignan ako ni Keita ng masama kaya natawa na naman ako. Ang cute nya.
"Bakit?"natatawang tanong ko sa kanya
"Siraulo ka! Bakit mo sinabing boyfriend kita, e hindi pa naman!"inis nyang sagot
"Dun na rin naman tayo papunta, hindi ba?"nakangiting sabi ko
"Pinangunahan mo naman ako e!"inis pa ring sabi nya
"Sorry na"nakanguso kong sabi
Hindi na sya sumagot pa. Hindi rin nagtagal bumalik na si Aling Minda dala ang mga inihaw nyo. Inilapag nya yon sa mesa.
"Kumain na kayo!"masayang sambit ni Aling minda "Doon muna ako at may aasikasuhin pa ako, babalikan ko na lang kayo mamaya"nakangiting dagdag nya
"Sige po" sabay naming sagot ni Keita
Kumuha agad ako ng limang isaw at inabot iyon kay Keita. Nakita ko ang pagtataka sa mukha nya. Akmang kukuhanin nya na sana iyon pero nilayo ko agad. Nangunot ang kanyang noo.
![](https://img.wattpad.com/cover/231417298-288-k893219.jpg)
BINABASA MO ANG
The Day She Said Goodbye
Short StoryAng pag-ibig na tunay, hindi mawawala habang buhay. Date started: July 01, 2020 Date Finished: September 13, 2020